Mga kabataan, hinimok na maging bahagi ng pagbabago sa SK at Barangay elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total reads

Mahalaga ang pakikibahagi ng mga kabataan sa pamahalaan kaya’t mahalagang makiisa ang lahat sa nakatakdang SK at Barangay Elections.

Ito ang panawagan ni Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV – chairman Senate Committee on Education, Arts, and Culture dalawang buwan bago ang nakatakdang halalang pambarangay.

Ayon sa Mambabatas mahalagang makisangkot ang bawat isa sa nakatakdang SK at Barangay elections lalo’t inaasahang unang beses ring ipatutupad ang SK Reform Law sa bansa.

“I think yung maganda ring development is lahat ng mga registered na mga 18 years old to 30 automatically nakarehistro na sila sa SK if they voted in the last election so ang mahalaga ngayon palagay ko is pag-isipan nating tumakbo and be part of the process…” pahayag ni Senator Aquino sa panayam sa Radio Veritas.

Nasasaad nga sa bagong SK Reform Law na maaaring bumoto sa SK ang mga may edad na 15 hanggang 30-taong gulang ngunit ang maaari lamang tumakbo para sa katungkulan ay ang mga may edad 18 hanggang 24-taong gulang.

Kaugnay nito, matapos ang dalawang linggong muling pagbubukas ng registration, tinataya ng Commission on Elections na 2-milyon ang mga nagparehistro para sa halalang pambarangay sa ika-31 ng Oktubre.

Samantala, nakatakda naman ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbong Barangay at SK Officials mula ika-3 hanggang ika-5 ng Oktubre kung saan bahagi ng COC na lalagdaan partikular ng mga SK Candidates ang pagtiyak na wala silang kamag-anak sa mga halal na opisyal na maaaring maging batayan ng posibleng diskwalipikasyon sa kanilang posisyon.

Matatandaang sa naganap na Encounter with the Youth sa UST, ni Pope Francis noong ika-18 ng Enero taong 2015 ay hinamon nito ang mga kabataan na mag-isip, makiramdam at kumilos upang tunay na makapagbahagi sa kapwa, partikular na sa mga nangangailangan at maging sa kapakanan ng buong bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 70,289 total reads

 70,289 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 156,788 total reads

 156,788 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 199,823 total reads

 199,823 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 249,582 total reads

 249,582 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 407,382 total reads

 407,382 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top