Action plan kontra climate change, tutukuyin sa environmental summit sa Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total views

Inaasahang matutugunan ang malaking problema ng Pilipinas sa climate change sa isinasagawang Department of Environment and Natural Resources Environmental Summit sa Ateneo de Davao University na may temang “State Of Mindanao Environment Day with Sec. Gina” o SOMEday with secretary Gina na nagsimula ngayong araw.

Dumalo sa summit ang mga kasapi ng komunidad at mga grupo mula sa iba’t ibang panig ng bansa patungkol sa mga suliranin ng kapaligiran tulad ng laganap na pagmimina at mga pasilidad ng coal fired power plants.

Iginiit ni Rodney Galicha ng Aksyon Klima ang kahalagahan ng pagtitipon na inaasahang tutugon sa suliranin ng bansa sa climate change.

“Itong environmental summit na ito sa ating bansa, ito’y unang pangyayari, first of its kind at ito’y gagawin sa mga rehiyon lalong-lalo na sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Napaka halaga nito dahil, ito’y isang malaking pagtitipon ng mga lider ng iba’t-ibang pamayanan, indigenous people, sa mga apektado ng problemang pang-kalikasan tulad ng pagmimina at iba pa, at ito’y pag-uusapan ang mga problemang ito na direktang kasama ang mga ahensya ng gobyerno lalong lalo na ang DENR,”pahayag ni Galicha.

Ayon kay Galicha, isang napaka-gandang oportunidad na direktang makapanayam ang mga matataas na pinuno ng pamahalaan at maipahayag dito ang mga problemang kinakaharap ng maliliit na pamayanan.

Hinimok naman ni Galicha ang mga kabataan na bagamat hindi makadadalo sa Environmental Summit ay patuloy paring makilahok sa pamamagitan ng pag-tweet gamit ang hashtags na #OyaMindanaw at #GinaIsComing.

Mahigit sa 4,000 delegado ang lalahok sa kauna-unahang environmental Summit na inorganisa ng DENR at Ateneo de Davao University.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 52,390 total views

 52,390 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 70,290 total views

 70,290 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 116,856 total views

 116,856 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 104,618 total views

 104,618 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 122,117 total views

 122,117 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 307,162 total views

 307,162 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top