Panagutin ang mga sangkot sa PHILHEALTH corruption-Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 643 total views

August 11, 2020, 12:18PM

Iginiit ng opisyal ng migrants ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dapat paigtingin ang imbestigasyon sa katiwaliang nagaganap sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, dapat walang kikilingan at mahalagang panagutin sa batas ang mapatutunayang opisyal na sangkot sa alegasyong korapsyon sa loob ng ahensya.

“Investigation at Philhealth should continue, no one above the law nor sacred cows, guilty should be punished and there should be reparations,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Ang pahayag ng obispo ay makaraang ibinunyag ni Atty. Thorrsson Montes Keith na dating anti-fraud legal officer ng ahensya ang nawawalang 15-bilyong pisong pondo na nabulsa ng ilang matataas na opisyal ng Philhealth.

Bukod pa rito ang alegasyon naman ni Philhealth board member Alejandro Cabading na inendorso ni Philhealth President at CEO Ricardo Morales ang ‘bloated allocations’ ng ahensya para sa pagbili ng mga gamit ng I.T tulad ng software at iba pang I.T equipment na nagkakahalaga ng milyong piso na hindi inaprubahan ng Department of Information and Communications Technology.

Nanindigan si Bishop Santos na mawawalan ng tiwala ang mga manggagawang Filipino partikular ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa ahensya kung magpapatuloy ang katiwaliang nagaganap ditto.

Iginiit ng Obispo na mahalagang linisin ang corruption at parusahan ang mga opisyal na isinasangkot.

“How can Philhealth get and earn the trust of OFWs if there is rampart corruption? Before they ask for mandatory contribution from OFWs, Philhealth should clean and cleanse its ranks,” dagdag ng obispo.

Magugunitang isinusulong ng Philhealth nitong taon ang tatlong porsyentong premium batay sa sahod na natatanggap ng mga O-F-W sa kontribusyong ibabayad sa ahensya at gagawing mandatory mula sa fixed rate na P2, 400 kada taong bayad.

Ipinaliwanag ni Bishop Santos na hindi maiiwasang paghinalaan ng mga O-F-W na malulustay ang pinaghirapang salapi sa sariling interes ng mga opisyal ng Philhealth.

Paalala ng obispo sa lahat na dapat pakaingatan ang ambag ng mga O-F-W sapagkat ito ay bunga ng pagsasakripisyong malayo sa kanilang pamilya at hindi ito dapat gawing gatasan ninuman.

“OFWs are not milking cows; They should always remember that the OFWs contributions come from their blood, sweat and tears,’ giit ni Bishop Santos.

Samantala tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong ikasampu ng Agosto sa isang pulong-balitaan na pananagutin ang sinumang mapatutunayang nagkasala at dawit sa katiwaliang nagaganap hindi lamang sa Philhealth kundi maging sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 148,660 total views

 148,660 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 178,884 total views

 178,884 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 205,530 total views

 205,530 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 300,503 total views

 300,503 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 311,807 total views

 311,807 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top