Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

SHARE THE TRUTH

 87,788 total views

August 18, 2020

Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine.

Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na rin ng Congregation of the Divine Worship and Discipline of the Sacraments and Coronacion Canonica sa nasabing imahe.

Sa pagninilay ni Bishop Ongtioco, binigyang diin nito na ang koronasyon ay pagsasabuhay at pagsariwa ng mga mananampalataya sa pagluluklok ng Diyos Ama sa mahal na birheng Maria bilang reyna ng langit ay lupa.

“Indeed, she was destined to become the Mother of the Redeemer. She was chosen to be the closest associate of Jesus in his work of redemption…The Lord wants Mary to reign with Him in heaven forever. The woman who called herself handmade of the Lord is now exalted far above the cherubim and she is enthroned as Queen of Heaven and Earth.”pahayag ni Bishop Ongtioco.

Samantala, ipinaliwanag naman ng Obispo na sa kabila ng pagkakaluklok kay Maria bilang reyna ay hindi nito nakalilimutan ang kanyang mga anak, at patuloy na nakikiisa sa bawat mananampalataya sa anumang hirap at pagsubok na pinagdaraanan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Although she is enthroned as queen she remains to be our mother… Therefore, to her we entrust our difficult time. We know that from her heavenly thrown she continues to turn her eyes of mercy towards us and she shows to us the blessed fruit of her womb, Jesus our king.” Dagdag pa ng Obispo.

Labis naman ang pasasalamat ni Rev. Fr. Joey Mabborang, Outgoing Parish Priest at Rector ng Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Mount Carmel sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang coronacion sa mahal na birhen.

“It is with the humble heart that I express my deepest gratitude for sharing your time, talent, resources and generosity for the benefit and ultimate success of all the projects and endeavors and vissions and brought to fruition in our Parish, Shrine and Basilica.”

Taong 1954 nang maitatag ang simbahan ng Mount Carmel kasabay ng pagdating ng Order of Discalced Carmelites sa Archdiocese of Manila.

1975 nang maideklara ito bilang parokya sa ilalim ng kauna-unahang kuraparoko na si Fr. Paul O’Sullivan.

Disyembre naman noong 2015 nang maideklara ito bilang isang National Shrine, at Nobyembre noong 2018 nang maging isa itong Minor Basilica.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 2,526 total views

 2,526 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 23,254 total views

 23,254 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 31,569 total views

 31,569 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 50,258 total views

 50,258 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 66,409 total views

 66,409 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas NewMedia

PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD

 116,852 total views

 116,852 total views PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD   My dear people of God in the Archdiocese,   We, in the NCR, are now placed under General

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

CBCP Circular Letter No. 20-20

 19,992 total views

 19,992 total views Circular No. 20-20 April 7, 2020 TO THE LOCAL ORDINARIES Your Excellencies,and Reverend Administrators: RE: SIMULTANEOUS RINGING OF THE PARISH CHURCH BELLS ON

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top