“Sapat-Lifestyle”, gawing araw-araw na pamumuhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 878 total reads

August 31, 2020

Hinimok ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na baguhin ang paraan ng pamumuhay ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang panawagan ni Bishop Pabillo sa paggunita ng “Season of Creation” ngayong taon na naiiba dahil sa nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ng Obispo na nakasisira ang makamundong paraan ng pamumuhay ng bawat isa partikular na ang pagiging konsyumerismo at materyalismo.

“Kasi untenable ang lifestyle natin. Talagang sinisira ng lifestyle natin ang ating consumerism, ang bahagi ng mundo natin. Tulad [ng] nangyari ngayong pandemic; hindi na tayo naka-travel, hindi na tayo nakakapag-malling, hindi na masyado magastos sa mga bagay-bagay. Kaya naman palang baguhin ang ating lifestyle”, pahayag ni Bishop Pabillo.

Hinikayat din ng Obispo ang mamamayan na bigyan ng panahon ang kalikasan upang makapagpahinga sa pamamagitan ng pagiging kuntento sa mga biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

“Kaya sana pumasok tayo sa tinatawag na “sapat-lifestyle”. We can say, sapat na, ito lang, tama na ito. Masaya na kami sa mga bagay na ito at hindi kailangan na mag-accumulate ng mga bagay na pagkatapos ay itatapon din natin”.panawagan ng Obispo

Ipinagdiriwang ang Season of Creation mula unang araw ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre, kasabay ng kapistahan ni San Francisco ng Assisi na pinalawig hanggang ika-11 ng Oktubre upang ipagdiwang ang Indigenous Peoples’ Sunday.

Ngayong taong 2020 ang ika-walong taon ng pagdiriwang ng Season of Creation sa Pilipinas, kasabay ang ika-limang taon ng World Day of Prayer for Care of Creation na idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco tuwing unang araw ng Setyembre.

Hinihimok sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga mananampalataya na pangalagaan at protektahan ang sangnilikha upang hindi magdulot ng pinsala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 40,940 total reads

 40,940 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 63,139 total reads

 63,139 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 99,638 total reads

 99,638 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 320,265 total reads

 320,265 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 352,551 total reads

 352,551 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 99,060 total reads

 99,060 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top