DENR, hinamong isapubliko ang legal justification ng Manila bay white sand project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 594 total views

Binatikos ng Ecowaste Coalition ang kadu-dudang white sand beach beautification project ng pamahalaan para sa Manila Bay sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Hinamon din ni Ecowaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero ang Department of Environment and Natural Resources at Department of Public Works and Highways na isapubliko ang lahat ng mga dokumento na magpapatunay na legal ang beautification project.

“As the public have the right to know, we urge the DENR and the DPWH to post on their websites all pertinent documents that will provide environmental, health, legal and financial justification for pursuing this beautification project,”, ayon kay Lucero.

Nais ng grupo na ilahad ng DENR at DPWH sa mamamayan kung kanilang isinasaalang-alang ang maaaring maging epekto ng proyekto sa marine at coastal ecosystem gayundin sa kalusugan ng tao.

Ipinasasapubliko rin ng ECOWASTE Coalition kung magkano ang magagastos na buwis ng taumbayan sa patuloy na pagbabantay at pagpapanatili sa inilagay na white sand na maaari sanang magamit sa pagtulong sa mga mahihirap na apektado ng pandemya.
“We want to know if the implementing agencies have considered potential harm to the marine and coastal ecosystems and to human health, and how much of taxpayers’ money will be required for the continuing monitoring, maintenance and replenishment of the ‘white sand’ beach, which could be used for truly rehabilitating Manila Bay and for supporting the poor who depend on it for their livelihood,” ayon sa pahayag ni Lucero.

Kaugnay nito, nagbabala si Department of Health Undersecretary at spokesperson Dr. Maria Rosario Vergeire sa masama at mapanganib na epekto ng white sand sa kalusugan ng tao.

Batay sa pag-aaral ng D-O-H, ang crushed dolomite na inilalagay sa bahagi ng Manila Bay ay maaaring magdulot ng eye irritation, respiratory problems kapag ito’y nalanghap, pananakit ng sikmura at diarrhea kapag naman ito’y nakain.

Naunang nagpahayag ng pagkadismaya si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, kaugnay sa hindi napapanahong proyekto ng kagawaran sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa.

Read: https://www.veritas846.ph/obispo-dismayado-sa-white-sand-project-sa-manila-bay/

Ayon sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pagpapatupad ng gobyerno ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 113,587 total views

 113,587 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 135,592 total views

 135,592 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 159,934 total views

 159,934 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 180,936 total views

 180,936 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 208,116 total views

 208,116 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Legazpi, nanawagan ng tulong

 1,961 total views

 1,961 total views Nanawagan sa publiko ang Social Action Center ng Diocese of Legazpi na magpaabot ng tulong para sa libo-libong pamilyang naapektuhan ng panibagong pagliligalig

Read More »
Scroll to Top