Pagsasara ng mga sementeryo sa mamamayan, suportado ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 739 total reads

Tiniyak ng Arkidiyosesis ng Ozamiz na susunod sa mga panuntunan na ipatutupad ng pamahalaan kaugnay sa nalalapit na paggunita ng All Saints at All Souls day.

Ito ang tugon ni Archbishop Martin Jumoad sa rekomendasyon ng National Task Force against COVID-19 na ipagbawal ang pagdalaw sa mga sementeryo sa a-uno at ika-2 ng Nobyembre bilang pag-iingat na magkahawaan ng virus.

“Let’s follow the suggestion of Inter Agency Tasks Force; we are in this pandemic and this is temporary,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa Arsobispo, sa pagpupulong ng mga pari ng arkidiyosesis nitong ika – 9 ng Setyembre ay napagkasunduan na ipagpatuloy ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa paggunita ng araw ng mga santo sa unang araw ng Nobyembre at paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay sa ikalawa ng buwan.

Tatalima din ang Diocese of San Pablo,Laguna sa maging kautusan ng pamahalaan na isara sa publiko ang lahat ng sementeryo bilang pag-iingat sa COVID-19.

Inihayag ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Clergy na nararapat na sundin ang panuntunan ng pamahalaan para sa kagalingan ng mamamayan.

“Kung ano ang ipag- uutos ng gobyerno susundin yon para na rin sa pansariling kagalingan at kagalingan ng nakararami.”mensahe ni Bishop Famadico sa Radio Veritas

Nilinaw naman ni COVID-19 testing czar Vince Dizon na hindi pa pinal ang mga panuntunan sa paggunita ng All Saints at All Souls day ay kanilang irerekomenda sa pamahalaan na pansamantalang ipagbawal ngayong taon ang pagdalaw sa mga sementeryo.

Sa lungsod ng Maynila, naunang humingi ng paumanhin si Mayor Isko Moreno sa mamamayan na pansamantalang isasara ang mga sementeryo sa ika -31 ng Oktubre hanggang ikatlo ng Nobyembre upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Hinimok naman ni Archbishop Jumoad ang mamamayan na dumalaw sa puntod ng mga mahal sa buhay sa ibang mga araw bilang pag-iingat at pangangalaga sa kalusugan.

“My advice which is the position of the Archdiocese is to continue to say Mass on November 1 and 2 for the souls in purgatory but not administer the usual Responso sa puntod for health reasons,” dagdag pa ni Archbishop Jumoad.

Kaugnay nito, hinikayat ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic administrator ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na maagang pabasbasan sa mga pari ang puntod ng mga mahal sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 80,008 total reads

 80,008 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 174,560 total reads

 174,560 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 218,828 total reads

 218,828 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 241,937 total reads

 241,937 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 313,442 total reads

 313,442 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top