DENR, itinangging walang ginawa sa COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total reads

Itinanggi ng opisyal ng Department of Environment and Natural Resources na hindi tumugon ang ahensya sa kinakaharap Coronavirus disease pandemic.

Sa programang Veritas Pilipinas, inihayag ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na hindi nagkulang ang ahensiya sa pagtulong sa mga apektado ng pandemya.

“Hindi totoo at mali ang sinasabi na hindi kami tumugon dito sa problema ng pandemic.” pahayag ni Antiporda sa panayam sa Veritas Pilipinas

Sinabi ni Antiporda na ang Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-utos sa ahensya na ibalik ang kanilang budget upang tugunan ang problema.

Ipinagmalaki ng opisyal na aabot sa halagang isang bilyon at limampu’t siyam na milyong piso ang pondong ibinigay ng DENR bukod pa ang 56-milyong piso na nabawas na nakalaang pondo ng ahensiya.

“Ang DENR ang nautusan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbalik ng pondo para tulungan ang pandemic funding na iligtas ang ating mga kababayan. Kaya’t immediately nagbigay kami ng one billion fifty-nine million [pesos] na pondo ng DENR. At the same time, fifty-six million ang binawas doon sa susunod naming budget,”pahayag ni Antiporda.

Bahagi ng ibinalik na pondo ng DENR ay inilaan sa kontrobersiyal na Manila Bay white sand beach project na may pondong aabot sa P389 million pesos.

Naunang sinabi ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na hindi naaangkop ang proyekto dahil sa dumaraming naghihirap, nagugutom at walang trabaho dulot ng pandemya.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 59,153 total reads

 59,153 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 112,922 total reads

 112,922 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 233,502 total reads

 233,502 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 283,860 total reads

 283,860 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 408,443 total reads

 408,443 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 234,526 total reads

 234,526 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top