Simbahan ng Daet, sumasabay na sa ‘new normal’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total reads

September 17, 2020-9:56am

Unti-unti na ring iniaakma ng Diyosesis ng Daet ang mga gawaing simbahan sa umiiral na new normal na bahagi ng epekto ng pandemic novel coronavirus.

Ito ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon kaugnay sa sitwasyon sa diyosesis kung saan pinapairal ang mga pagbabago bilang pag-iingat mula sa nakakahawang sakit.

Ayon sa Obispo, bukod sa pagpapatupad ng mga safety health protocol, ang pagkakaroon lamang ng 50-porsyento sa kapasidad ng mga Simbahan sa diyosesis ang pinakamalaking pagbabago na naidulot ng pandemya sa paraan ng pamumuhay at pananamapalataya sa lugar.

Pagbabahagi ni Bishop Alarcon na siya ring Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Youth, pinaigting na rin ng diyosesis ang pagkakaroon ng karagdagang youth minister para maglingkod sa simbahan lalu’t karamihan ng mga church workers ay mga nakakatanda na hindi pinahihintulang lumabas base na rin sa mga umiiral na community quarantines.

“We are observing yung social distancing, face mask, sanitizing so ang new normal 50% lang ang pwedeng tanggapin, ang new normal we are continuing with the online, ang new normal dinagdagan namin yung mga younger ministers namin and then we are also trying to find ways yung Catechesis, Youth Ministry yung iba sa classes nagsimula na so well it’s the new normal of course we all pray na sana temporary lamang,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang Obispo na pansamantala lamang ang mga pagbabagong dulot ng pandemya sa paraan ng pamumuhay ng mamamayan at maging sa ebanghelisasyon ng simbahan.

Binigyang diin rin ni Bishop Alarcon na bukod sa pananalangin para sa agarang pagtuklas ng lunas at bakuna para sa COVID-19 ay mahalaga rin ang pagkakaroon ng disiplina at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang sama-samang malagpasan ang krisis na dulot ng pandemya.

“So ano kumbaga we are in the new normal, we are praying with the vaccine hopefully soon also that yung but it’s not only the vaccine it also in the discipline of the people, collaboration of the different sector so meron na, meron na kami dito. In the new normal that we are now experiencing very limited yung naabot natin.” Dagdag pa ni Bishop Alarcon.

Ang Diocese of Daet ay may 30 parokya na nangangasiwa sa 525,000 mananamapalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,271 total reads

 93,271 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,435 total reads

 170,435 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,883 total reads

 203,883 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,182 total reads

 239,182 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,078 total reads

 462,078 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top