Mental, spiritual health ng Covid-19 patients; tutukan ng Confradia de San Roque ng Diocese ng Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 685 total reads

September 17, 2020-11:52am

Pinalalakas ng Diyosesis ng Kalookan ang programang tutugon sa mental health ng mamamayan lalu na sa mga nagtataglay ng coronavirus disease.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David-acting president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nakatuon sa mental at espiritwal na pagtulong ang binuong Confradia de San Roque o CSR.

Ang Confradia ay grupo ng mga volunteers na katuwang ng mga health care workers sa pagtutok sa COVID-19 patients na inisyatibo ng diyosesis.

“Ang specialization ng aming mga volunteers ay psycho-spiritual first aid; attending to their mental health, but of course some of them are also helping out in contact tracing at saka health care monitoring ng mga COVID patients whether in home quarantine or in quarantine facilities,” pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas.

Ika-14 ng Setyembre nang pasinayaan ng diyosesis ang Confradia de San Roque Command Center na magsisilbing clearing house sa lahat ng mga volunteer ng CSR.

Paliwanag ni Bishop David, isang volunteer ang nakatalaga sa isang pasyente na makipag-usap araw-araw upang kumustahin ang kanilang kalagayan at pakiramdam habang nasa quarantine facilities.

Ito ang tugon ng diyosesis upang tulungan ang medical healthcare workers na maiwasan ang labis na pagkapagod sa mga ospital dahil sa dagsa ng mga pasyente.

Aniya, kung lalala ang sintomas ng mga pasyenteng nasa quarantine facilities ay agad makipag-ugnayan ang mga CSR sa pinakamalapit na pagamutang tumatanggap ng COVID infected at bibigyan ito ng prayoridad na pagtugon lalo’t may doctor nang nakatalaga rito.
Ayon pa kay Bishop David sa ganitong paraan ay matulungan din ang mga ospital na hindi mapuno.

May kabuuang 30 ang bilang ng mga CSR na nakapagtapos ng training habang nakiisa na rin ang mga naunang volunteers sa community based drug rehabilitation na KAAGAPAY kung saan katuwang ng diyosesis ang lokal na pamahalaan.

“May bagong set ng volunteers, will also undergoing a training and among them ang KAAGAPAY, yung na-iput-up namin na community based program; may existing na synergy between the church and the local government unit,” dagda ng obispo.

Tiniyak din ni Bishop David na pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga volunteers na hindi malantad sa panganib ng COVID-19.

“Hindi naman natin i-endager ang buhay ng volunteers that is why nag-invest kami sa online like sa hardware, software at sa internet connectivity kasi ito lang talaga ang epektibong pamamaraan na ma-monitor sila [COVID patients] closely na hindi ini-endanger ang buhay ng ating mga volunteers,” giit pa ng opisyal ng CBCP.

Binigyang diin pa ng obispo na mahalagang matutukan ang mental health ng mamamayan lalo na ang mga nahawaan ng virus upang mabawasan ang pangamba, lumbay at maging ang labis na pag-iisip.

Ito rin ay bahagi ng tugon ng simbahan sa panawagan ng pamahalaan na tumulong sa pagtugon sa tumataas na kaso ng depresyon sa bansa nang magsimulang magpatupad ng community quarantine nitong Marso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 91,597 total reads

 91,597 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 168,830 total reads

 168,830 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,278 total reads

 202,278 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 237,577 total reads

 237,577 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 460,532 total reads

 460,532 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top