Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle, ligtas na mula sa Covid-19

SHARE THE TRUTH

 880 total views

September 24, 2020-7:00am

Ganap nang ligtas mula sa panganib na dulot ng Novel Coronavirus ang Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ito ng kinumpirma ni Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino at Pastoral Care of Overseas Filipino Workers sa Italya makaraan na ring sumailalim sa swab test at nagnegatibo ang resulta ng dating arsobispo ng Maynila na kasalukuyang nasa Pilipinas.

“Cardinal Tagle’s negative result for the swab test is indeed a great joy for the whole Church. God wants him to continue serving in the Vatican’s office for the Missions, to bring God’s Good News of love, joy, peace, justice, forgiveness and reconciliation — all of which the world needs in a special way these days,” ayon sa pahayag ni Fr. Gaston.

Ikinagagalak din ng Collegio Filipino ang balita na magaling na si Cardinal Tagle kung saan siya naninirahan simula nang magtungo sa Roma para gampanan ang mga tungkuling iniatang ng Santo Papa Francisco.

Una na ring inihayag ni Fr. Gaston na unti-unti ng nagbabalik trabaho ang mga Filipino at pagbubukas ng turismo sa Italya.

“We wish him all the best in his short visit to the Philippines, to rest a bit and be with his family back home,” dagdag pa ni Fr. Gaston.

Bago itinalaga ni Pope Francis bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples’ una na ring itinalaga si Cardinal Tagle bilang pangulo ng Caritas Internationalis.

Si Cardinal Tagle ang kauna-unahang pinuno ng Roman curia na nahawaan ng Covid-19.

Sa Pilipinas, apat na obispo ang nahawaan ng sakit kung saan una na ring gumaling mula sa karamdaman sina Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo at Kalookan Bishop-emeritus Deogracias Iniguez.

Namayapa naman dahil sa kumplikasyon dulot ng Covid-19 sina Lingayen-Dagupan Archbishop-emeritus Oscar Cruz at Imus-Bishop Emeritus Manuel Sobreviñas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,115 total views

 11,115 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,215 total views

 19,215 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,182 total views

 37,182 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,488 total views

 66,488 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,065 total views

 87,065 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,675 total views

 11,675 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top