Resulta sa imbestigasyon ng simbahan sa pagkamatay ng pari, inaantabayanan ng pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 785 total views

October 1, 2020-11:30am

Hihintayin ng pamilya ni Rev. Fr. Nomer de Lumen ang resulta ng isasagawang imbestigasyon ng Diyosesis ng Antipolo sa pagkamatay ng pari.

Ayon kay Elpidio de Lumen ang ama ng yumaong pari, patuloy ang kanilang pagdarasal at paghingi ng gabay sa Diyos at sa Mahal na Birhen para sa katotohanan at katarungan ng pagkamatay ni Fr. de Lumen.

“Hihintayin ng aming pamilya ang findings ng committee. Patuloy kaming nagdarasal ng Santo Rosaryo upang gabayan ni Maria na ating Ina,” pahayag ni de Lumen sa Radio Veritas.

Matatandaang binuo ni Bishop Francis De Leon ang AD Hoc committee na mangunguna sa pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng pari.

Sa kautusang inilabas ni Bishop de Leon, itinalaga sina Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco na chairman ng kumite at kabilang sa mga miyembro sina Fr. Ally Barcinal at exorcist Priest Fr. Jeffrey Quintela.

Layunin nitong alamin ang katotohanan sa pagkamatay ni Fr.de Lumen na may ibayong paggalang sa simbahan at dignidad ng pari.

Ikasiyam ng Setyembre ng matagpuan ang bangkay ni Fr. de Lumen sa kanyang silid sa St. John the Baptist Parish Taytay Rizal.

Umaasa ang pamilya de Lumen na lalabas ang katotohanan ng pagkamatay ng pari na unang naiulat na nagpatiwakal kasabay ang apela sa mamamayan nang patuloy na pagdarasal sa kapayapaan ng kaluluwa ni Fr. de Lumen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 141,539 total views

 141,539 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 171,763 total views

 171,763 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 198,409 total views

 198,409 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 293,382 total views

 293,382 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 305,185 total views

 305,185 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top