Environmental groups, tutol sa balik-operasyon ng mga minahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

October 1, 2020-1:27pm

Tinutulan ng makakalikasang grupo ang rekomendasyon ng pamahalaan na muling buksan ang mga minahan kasabay na rin ng nararanasang krisis dulot ng pandemya.

Kaisa ng iba pang environmental groups, ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng Alyansa Tigil Mina, hindi naaangkop ang panukala ng Department of Environment and Natural Resources na magbukas pa ng karagdagang minahan at magsagawa ng river dredging upang makabangon muli ang ekonomiya ng bansa.

“Tumututol kami doon sa rekomendasyon ng DENR at mukhang tinanggap ng Office of the President ‘yung proposal na bahagi daw nung recovery or stimulus program natin dahil sa COVID-19 para makabangon daw ang ekonomiya ay magbukas pa tayo ng mas maraming minahan at tsaka river dredging,” ang bahagi ng pahayag ni Garganera sa panayam ng Radyo Veritas.

Paliwanag ni Garganera, walang malinaw na dahilan ang DENR upang imungkahi na bahagi ng pagbangon ng ekonomiya ang pagmimina at river dredging na magdudulot naman ng pagkasira sa kalikasan.

Nangangamba ang grupo na higit pa itong magpapalala sa epekto ng climate change at pagkaubos ng mga puno sa kagubatan na nagiging sanhi rin ng paglabas ng mga bagong sakit tulad na lamang ng COVID-19.

“Lalo nga pong baka malagay sa peligro ‘yung ating kalikasan dahil ‘pag dinagdagan po natin ang mina at mga river dredging, e lalo pong bibilis ang [pag]kalbo ng kagubatan at tsaka pagdumi ng ating mga ilog. Ito po ay lalong magpapalala ng climate change o nagbabagong klima at pagkakalbo ng gubat kaya po lumalabas yung mga bagong sakit o bagong pandemya tulad ng COVID-19,” ayon kay Garganera.

Naunang nagsagawa ng kilos-protesta ang mga makakalikasan at human rights group sa tanggapan ng DENR upang tutulan ang muling pagbubukas ng 13-suspendidong minahan na magdudulot ng kapahamakan sa kalusugan at kaligtasan ng pamayanan.

Ayon naman sa ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, hinihimok nito ang mananampalataya na pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, mula sa pang-aabuso sa kapaligiran na tao rin ang nagiging biktima ng mga pinsalang idinudulot nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 73,509 total reads

 73,509 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 168,687 total reads

 168,687 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 212,955 total reads

 212,955 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 236,064 total reads

 236,064 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 307,897 total reads

 307,897 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,578 total reads

 146,578 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top