Patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng frontliners, hiling ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 712 total reads

October 1, 2020-11:56am

Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang tungkulin ng frontliners na hinarap ang panganib sa paglilingkod sa bayan sa kabila ng nararanasang pangkalusugang krisis dulot ng Covid-19.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, malaki ang ginagampanan ng mga medical at service frontliners sa kampanyang sugpuin ang paglaganap ng corona virus sa lipunan.

“Hindi naman talaga makakakilos ang simbahan, ang gobyerno kung walang frontliners, talagang sila yung nagtataya ng kanilang sarili at nalalagay sa panganib kaya’t mahalaga rin na ipagdasal sila [frontliners],” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Sa huling datos ng Department of Health nasa pitong libong medical frontliners na ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan 31 na ang nasawi.

Libo-libo na ring mga service frontliners lalu na mula sa hanay ng mga pulis at sundalo na katuwang sa pagpapatupad ng kaayusan sa buong bansa ang hindi rin nakaligtas mula sa pagkahawa sa sakit.

Hinikayat din ni Bishop Pabillo ang mananamapalataya na hingin ang tulong ng mga banal, lalo na kina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calunsod na kapwa mga Filipinong Santo upang maging tagapamagitan ng sambayanan sa kinakaharap na krisis dulot ng COVID-19.

Giit ng obispo, mahalagang hingin sa Diyos ang tulong upang mapanatiling ligtas ang bawat isa mula sa nakahahawang sakit.

“Kailangan natin ang ibayong tulong na galing sa langit, mula sa Diyos at maging sa ating mga Filipino saints [San Lorenzo at San Pedro Calunsod] na pangalagaan tayo kasi nandiyan lagi yung panganib, na hindi tayo magpatalo sa takot at malampasan natin ang anumang krisis ng buhay,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 28,088 total reads

 28,088 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 62,951 total reads

 62,951 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 119,357 total reads

 119,357 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 241,491 total reads

 241,491 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top