CBCP official, nagpahayag ng suporta sa mga guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 546 total reads

Pinaalalahanan ng education ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na hindi ito nag-iisa sa pagtupad ng kanilang misyong hubugin ang kabataan sa kabila ng makabagong paraan.

Ito ang mensahe ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa pagdiriwang ng World Teachers Day.

Tiniyak ng obispo na katuwang ng mga guro ang Panginoon, mga magulang at simbahan sa pagtuturo sa kabataan.

“Kilalanin ninyo na kasama ninyo ang Diyos, ang kapwa mga guro at ang mga magulang sa pagtupad ng inyong misyon,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Batid ni Bishop Mallari ang hirap ng mga guro at pagsasakripisyo lalo ngayong panahon ng pandemya kung saan ipinatutupad ang blended learning sa buong Pilipinas.

Nagsusumikap ang mga guro na itaguyod at ipagpatuloy ang paghuhubog sa kabataan gamit ang makabagong teknolohiya sa online learning at pamamahagi ng module naman para sa mga mag-aaral na walang kakayahang mag-aral online.

“Alam ko doble ang pagsasakripisyo na hinihingi sa atin ng ating misyun upang magturo; Sana pagkalooban pa kayo ng Diyos ng mas maalab na pagmamahal para sa Diyos, sa bayan at sa mga estudyante na ipinagkatiwala sa atin,” dagdag pa ni Bishop Mallari.

Kasabay ng World Teachers Day ay nagsimula na rin ang klase sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa kung saan sa tala ng Department of Education ay nasa 20-milyon ang bilang ng mga estudyanteng nagpatala na mas mababa kumpara noong 2019 na nasa 30-milyon.

Ipinagdasal din ng simbahan ang halos isang milyong mga guro sa bansa na sasabak sa misyon at higit ring ipinapanalangin ang kapakanan ng tinatayang mahigit tatlong libong guro na posibleng mawalan ng kabuhayan dahil sa pagsasara ng 700 pribadong eskwelahan sa bansa dahil sa pagkalugi dulot ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 33,808 total reads

 33,808 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,080 total reads

 65,080 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 142,887 total reads

 142,887 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,115 total reads

 237,115 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,359 total reads

 296,359 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top