Layko, maging halimbawa sa pagsunod sa safety protocol kontra Covid-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Hinimok ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mananampalataya at mga naglilingkod sa simbahan na maging halimbawa sa pagsunod sa mga panuntunan upang maiwasan ang paglaganap ng coronavirus.

Sa mensahe ni Davao Archbishop Romulo Valles sa misang ginanap sa Sto. Rosario Parish sa Toril Davao City, iginiit nitong nagbunga ang pagsunod sa safety health protocol na ipinatupad ng pamahalaan at mga eksperto sa kalusugan kaya’t mahalagang ipagpatuloy ito upang tuluyang mawakasan ang paglaganap ng virus.

“Tayong mga nasa simbahan, let us take the lead in giving example; let us be obedient and cooperative; to strictly follow health protocols in the context of the pandemic,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Valles.

Ikinatuwa rin ng arsobispo na makitang okupado ang limampung porsyentong kapasidad ng simbahan na isang patunay na buhay ang pananampalataya ng mamamayan sa kabila ng mga hamong kinaharap dulot ng COVID-19 pandemic.

Kabilang na ang pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol at ang physical distancing.

Umaasa si Archbishop Valles na tuluyang makabalik sa normal na pamumuhay ang pamayanan upang muling magbubuklod ang bawat isa sa pagbibigay papuri sa Diyos sa mga simbahan.

“It is always beautiful and inspiring to come together and praise God; to come together to pray, to worhsip, to tell ourselves and to tell the Lord and the Blessed Mother that we are your sons and daughters,” dagdag ng arsobispo.

Matatandaang agad na sumunod ang pamunuan ng simbahang katolika nang magpatupad ng community quarantine noong Marso kung saan pansamantalang ipinagbawal ang pagdalo ng mga misa sa parokya upang maiwasan ang mass gatherings.

Patuloy pa rin ang pagsunod ng mga simbahan sa bansa sa panuntunan ng new normal bilang pakikiisa sa kampanyang sugpuin ang paglaganap ng virus na sa kasalukuyan umabot na sa mahigit 300-libo ang kumpirmadong kaso sa Pilipinas.

Sa huli ay hinikayat ni Archbishop Valles ang bawat isa na paigtingin ang pagdarasal sa Diyos sa tulong ng Mahal na Birhen sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 30,930 total reads

 30,930 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 110,892 total reads

 110,892 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 205,118 total reads

 205,118 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 265,608 total reads

 265,608 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 278,002 total reads

 278,002 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,468 total reads

 37,468 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top