7 Corporal works of mercy, ipadama sa mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,081 total views

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa mga mananamapalataya na alalahanin at ipanalangin ang kalagayan ng mga bilanggo sa bansa lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng kumisyon, ang nalalapit na paggunita ng Prison Awareness Week ay isang paalala sa bawat isa na bigyang pansin ang kapakanan ng mga bilanggo na nagsisik-sikan sa mga bilangguan.

“Mayroon po tayong Prison Awareness Week at ito po ay ipinapaalaala sa atin ang kahalagahan ng pangangalaga natin sa mga kapatid nating nasa piitan, mahalaga po yung sinabi ni Hesus “ako’y nasa bilangguan at dinalaw niyo ako”. Kaya makita po sana natin itong mga nasa bilangguan hindi bilang mga kapatid na nagkamali lang, tingnan natin sila bilang mga kapatid na mahal si Hesus, at kaya nga kahit na nasa pandemic po mas mahirap ang kanilang kalagayan kasi mas sikip na sikip sila doon at sana patuloy natin silang alalahanin…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, importante na mapaluwag ang mga bilangguan bukod sa pananalangin na umusad ang kaso ng mga bilanggo upang makalaya.

Bukod sa pananalangin, hinikayat rin ni Bishop Pabillo ang bawat isa na magpaabot ng tulong sa mga bilanggo tulad ng mga pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan kabilang na ang mga gamot at hygiene kits.

“Ngayon po ipagdarasal natin na yung mga kaso nila ay mapabilis, marami sa kanila ay pwede ng mapalaya at pangalawa po kung may maitutulong tayo sa kanila tulad ng pagpapadala ng mga hygiene kits, ng mga sabon man lang, ng mga pagkain. Makakabigay pa tayo ng paabot sa kanila para maramdaman naman nila na hindi sila nakakalimutan ng mga Kristyano…” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Sa Pilipinas, itinakda ng Simbahang Katolika ang huling Linggo ng Oktubre bilang Prison Awareness Sunday upang mahimok ang mga mananampalataya na alalahanin at ipanalangin ang kapakanan at pagbabalik-loob mga bilanggo bilang bahagi ng 7 corporal works of mercy.

Tema ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon ang “Restoring Hope and Healing during this Time of Pandemic through God’s Transforming Unconditional Love” na gugunitain mula ika-19 hanggang ika-25 ng Oktubre.

Layunin ng taunang paggunita ng Prison Awareness Week na pukawin ang damdamin ng mga mamamayan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 3,340 total views

 3,340 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 25,345 total views

 25,345 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 49,687 total views

 49,687 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 73,927 total views

 73,927 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 109,551 total views

 109,551 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top