Mangroves, hindi dolomite sand sa Manila Bay, mungkahi ng Ecology Ministry ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 875 total reads

Sa halip na ‘dolomite sand’, mas makabubuti sana kung pagtatanim ng mangrove trees sa paligid ng Manila bay ang pinagbuhusan ng pondo ng Department of Environment and Natural Resources.

Ito ang bahagi ng pahayag ni Marilou Arsenio-program coordinator ng Archdiocese of Manila Ecology Ministy.

Paliwanag ni Arsenio na mas ligtas itong ilagay sa dalampasigan ng Manila Bay upang magsilbi ring harang kapag nagkaroon ng mga malalakas na kalamidad tulad ng bagyo.

“Yes, ‘yun naman talaga ang kailangan d’yan. Kasi ang mangrove, protected ang Las piñas and Parañaque because of the mangroves na nandun sa may coastal. So, yun ang kailangan natin, dapat nga, meron na rin silang island na nilagay dun (sa Manila Bay), di taniman na ng mangroves,” ayon kay Arsenio sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang taniman ng mangrove trees sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat Ecotourism Area (LPPCHEA), na pinamamahalaan ng Department of Environment and Natural Resources ang makatutulong para sa biodiversity conservation sa Manila bay ayon pa sa halimbawa ni Arsenio.

Hindi rin sang-ayon si Arsenio sa pagtatambak ng dolomite sand bilang bahagi ng rehabilitasyon ng baybayin lalu’t inanod na rin sa dagat ang mga artificial white sand sa mga nakalipas na pag-uulan.

Giit pa niya, tila pagsasayang ng pondo ng pamahalaan ang proyekto lalu’t mas higit na kailangan ng publiko sa kasalukuyan ay ang makakain at pagkakitaan dahil na rin sa epekto ng pandemya.

“Hindi tayo sumasang-ayon d’yan kasi that is clearly waste of people’s money. Sa dami ng problema ngayon, sa dami ng walang trabaho, walang kinakain, walang bahay, etc., ang problema ngayon sa pandemic, namamatay rin sa sakit, etc. Tapos sinasabi nila kulang ng pondo para sa health tapos gagastos ka ng ganyan. That is immoral,” ayon kay Arsenio.

Iminungkahi naman ng University of the Philippines-Diliman Institute of Biology sa DENR ang pagbuo at pagpapatupad ng science-based rehabilitation program para sa Manila bay na layong maibalik ang biological function at mapangalagaan laban sa epektong dulot ng polusyon.

Ayon sa Laudato Si ni Pope Francis, hinihimok nito ang mga mananampalataya, na pangalagaan ang sangnilikha, dahil sa ating pag-abuso sa kapaligiran ay tao rin ang nagiging biktima ng mga pinsalang idinudulot nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 17,629 total reads

 17,629 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 48,902 total reads

 48,902 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 127,827 total reads

 127,827 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 222,053 total reads

 222,053 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 281,994 total reads

 281,994 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,751 total reads

 71,751 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top