Pagyamanin ang tunay na diwa ng Todos Los Santos sa halip na katatakutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 934 total reads

Umaasa ang punong pastol ng Diyosesis ng Novaliches na higit pagyamanin ng mananampalataya ang diwa ni Kristo sa tulong ng mga banal ng Simbahang Katolika.

Hinimok ni Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya na alalahanin ang mabuting halimbawa ng yumaong banal at mga mahal sa buhay sa halip gawing katatakutan ang paggunita ng Undas.

Ayon sa Obispo, kailangang nakasentro sa pananampalataya ang Araw ng mga Santo at Araw ng mga Patay na panahon ng panalangin at pagpaparangal sa mga namayapa.

“Sana makita din natin na yung ating pananampalataya ay nagdadala sa atin ng pag-asa, magdadala ng kapayapaan; panahon ito ng pagdarasal sa mga yumao at mga banal,” pahayag ni Bishop Gaa sa Radio Veritas.

Pinaalalahanan ng Obispo ang mananampalataya na ang nakaugalian na halloween o pagsusuot ng mga nakatatakot na maskara ay taliwas sa katuruan ng simbahan at hindi angkop na gawain sa paggunita ng mga banal.

Inihayag ni Bishop Gaa na bilang mga Kristiyano ay gamitin ang pagkakataon na palaganapin ang wastong turo ng pananampalataya.

“Mag-ingat po tayo na malihis sa turo; huwag nating kalimutan ang ating pananampalataya at lagi po tayong nakatutok sa pagpapalaganap at pagpapalago ng ating pananampalataya,” dagdag pa ni Bishop Gaa.

Sa mga nakalipas na todos los santos, unti-unting pinalaganap sa Pilipinas ang tradisyong ‘parade of saints’ kung saan magbibihis ang mga bata ng damit ng Santo.

Ngayong taon, hinimok ang mananampalataya na ituon ang panahon sa pagdarasal sa mga simbahan at sa mga tahanan dahil ipinagbabawal ang pagdalaw sa mga sementeryo hanggang sa ikaapat ng Nobyembre bilang pag-iingat ng pamahalaan na kakalat pa ang corona virus disease.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 105,475 total reads

 105,475 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 243,753 total reads

 243,753 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 359,530 total reads

 359,530 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 475,657 total reads

 475,657 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top