Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Climate Emergency 2020 summit, ilulunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total views

Inaanyayahan ng makakalikasang grupong Living Laudato Si-Philippines ang mga mananampalataya na makiisa sa isasagawang virtual online seminar hinggil sa pangangalaga sa kalikasan laban sa mga mapanirang industriya ng coal-fired power plants.

Ito ay ang Philippine Interfaith Summit on Climate Emergency 2020 na gaganapin sa ika-24 ng Nobyembre mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon.

Nilalayon ng virtual event na ito na pagbuklud-buklurin ang iba’t ibang pananampalataya at mga denominasyon sa bansa upang talakayin mula sa kanilang mga sariling paniniwala at tradisyon ang moralidad at espiritwalidad ng pangangalaga sa mundo sa pamamagitan ng hindi pagtangkilik sa fossil fuels at iba pang industriya na sumisira sa kalikasan.

Katuwang dito ng grupo ang Climate Change Commission, Uniharmony Partners Manila, GreenFaith at Radio Veritas.

Kaugnay nito ay hinimok ng Kanyang Kabanalang Francisco ang mga mananampalataya at mga pribadong sektor na huwag tangkilikin ang mga kumpanyang lumilikha ng fossil fuel at iba pang institusyon na nagpapanatili sa pagbabago ng klima ng mundo.

Sinabi ng Santo Papa na ang pagbubuo ng ligtas at mahusay na energy systems batay sa pinagmumulan ng renewable energy ay posibleng makatulong sa pangangailangan ng mga nasa mahihirap na populasyon at upang mabawasan ang pag-init ng daigdig.

Ayon sa Global Carbon Project, naitala noong nakaraang taon ang mataas na antas ng carbon dioxide emmission na aabot sa 37-bilyong tonelada dahil sa demand ng langis at natural gas.

Batay naman sa catholic social teaching, bagamat pabor ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan kinakailangang ang kitang ito ay nakakamit nang hindi nasasakripisyo o naaapektuhan ang bawat mamamayan partikular na ang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 35,344 total views

 35,344 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 56,409 total views

 56,409 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 79,431 total views

 79,431 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 118,110 total views

 118,110 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top