May pag-asa sa harap ng COVID-19 pandemic-Bishop Bendico

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 618 total reads

Hinimok ng punong pastol ng Diyosesis ng Baguio ang mananampalataya na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng paghihirap na dinaranas ng mamamayan.

Ayon kay Bishop Victor Bendico, bagamat mabigat ang pinagdaanan ng mga tao ngayong taong 2020, mas malawak pa rin ang pag-asang hatid ng Panginoong Hesus na isinilang na mapagtagumapayan ang bawat hamon ng buhay.

“Our sight now might be blocked by a mountain of problems, worries and uncertainties; but we should not be discouraged, there is still a wide space for hope and Christmas is one season that pushes us to be hopeful, to look beyond the horizon of 2020,” pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

Ito ang pagninilay ng obispo sa pagdiriwang ng pasko ng pagsilang ni Hesus lalo’t maituturing na kakaiba ang selebrasyon ngayong taon dahil sa mga restriction na ipinatupad ng pamahalaan dahil sa pag-iingat laban sa nakahahawang corona virus.

Tiniyak ni Bishop Bendico na si Hesus ang Emmanuel o sumasaatin ang Diyos kaya’t nadidinig nito ang hinaing ng mamamayan lalo na ng mga dukha na labis apektado ng krisis.

“In a world full of darkness and unsolved problems, let us continue to hope in Him who sees everything from the perspective of eternity,” saad ni Bishop Bendico.

Sa taya ng World Bank kung magpapatuloy ang pandemya, halos tatlong milyong Filipino ang pinangagambahang malugmok sa labis na kahirapan dahil sa kawalan ng pagkakakitaan.

Samantala paalala naman ni Bishop Bendico sa mamamayan na kung sakaling hindi pa naisakatuparan ang mga dasal ay huwag mawalan ng pag-asa sapagkat nananatili ang pag-ibig ng Diyos sa bawat tao.

“If ever our hopes are not yet fulfilled, if ever our prayers are not answered, God must have his reasons which we do not know. Let us not put any deadlines on God, for God is a God of infinite possibilities,” ani Bishop Bendico.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 11,871 total reads

 11,871 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 47,623 total reads

 47,623 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 104,029 total reads

 104,029 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 227,142 total reads

 227,142 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top