Simbahan, naninindigan laban sa destructive mining

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 512 total reads

Nanindigan si Rev. Father Edwin Gariguez – Executive Secretary ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines na hindi nagbabago ang katayuan ng Simbahang Katolika sa paglaban sa destructive mining sa bansa.

Ayon kay Father Gariguez, naniniwala at nagkakaisa ang lahat ng Obispo na walang naidudulot na mabuti para sa kalikasan at sa mga komunidad ang pagmimina.

“Paulit-ulit na ang simbahan ay naninindigan dito sa usapin ng pagmimina dahil kahit noon pa mang ilang administrasyon na, laging isang bagay na pinagkakasunduan ng mga Obispo sa Pilipinas may tindig na pangkalahatan diyan ang mga Obispo at sa maraming statement na ibinigay na ng CBCP ang minahan talaga sa maraming lugar sa Pilipinas at batay sa kanilang mga karanasan at sa inihahain sa kanilang karaingan ng mga komunidad ay hindi nakakatulong, sa halip ay nakakapinsala,”pahayag ni Fr. Gariguez sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, kinatigan ni Fr. Gariguez ang pagsusulong ng Alternative Minerals Management Bill upang mas mapaigting ang proteksyon sa mga komunidad lalo’t higit sa mga katutubo na pangunahing nagiging biktima at nawawalan ng lupang minana dahil sa mga operasyon ng pagmimina.

Naihain na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill Number 113, nina Ifugao Lone District Rep. Teddy Brawner Baguilat–Co-author ng Green Bills at Agusan Del Norte First District Rep. Lawrence Fortun ang Alternative Mining Bill.

Aminado ang pari na hindi magiging madali ang tatahakin bago maisabatas ang AMMB kaya nanawagan ito sa mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng paninindigan at tunay na maging lingkod sa taumbayan.

“Panawagan sa mga nasa lokal na pamahalaan sana ay mas magkaroon talaga sila ng tunay na pagtupad sa kanilang mandato, katigan nila kung ano yung tama, kung ano yung mabuti pati yung kapakanan ng mamamayan lalo’t higit yung kapakanan ng mga mahihirap,” dagdag pa ng Pari.

Ilan sa mga kapaloob sa Alternative Minerals Management Bill ang “No-Go Zone policy” pagdadagdag ng buwis sa mga mining companies, at paggalang sa karapatan, kultura at lupang ninuno ng mga katutubo.

Sa kasalukuyan, walong minahan na ang pansamantalang ipinatigil ang operasyon habang nasa ilalim ito ng suspension order ng Department of Environment and Natural Resources.

Kabilang dito ang BenguetCorp Nickel Mines Incorporated, Eramen Minerals Incorporated, LNL Archipelago Minerals Incorporated, at Zambales Diversified Metals Corporation sa bayan ng Sta. Cruz Zambales, Berong Nickel sa Palawan, dalawang mining sites ng Citinickel sa Española at Narra Palawan at Ore Asia Mining Development Corporation sa Bulacan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 52,684 total reads

 52,684 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 139,182 total reads

 139,182 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 182,219 total reads

 182,219 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 231,978 total reads

 231,978 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,706 total reads

 390,706 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,171 total reads

 23,171 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,817 total reads

 52,817 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,661 total reads

 45,661 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top