Pagsibak sa mga political appointee, totohanin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 374 total reads

Kinatigan ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa puwesto ang maraming Presidential appointee o political appointee sa mga sangay ng pamahalaan kung saan nagpapatuloy ang katiwalian.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, chairman ng komisyon, dahil sa talamak na burukrasya sa ilang mga political appointees ay lalo lamang napapariwara ang mga ahensya dahil sa maling pamumuno at pamamalakad ng mga ito.

Kaya’t iminungkahi ni Archbishop Arguelles kay Pangulong Duterte na salain ang lahat ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at bigyan ng natatanging posisyon ang mga tapat na lingkod bayan.

“Dapat naman, kasi masyadong bloated ang bureaucracy tsaka yung mga political appointees na yan ay part of corruption yan. I supposed na yung ibang head of agencies should be removed talaga kasi marami diyan ay duplication at tsaka masyadong maraming inilalagay na political favors. Mabuti hindi na lang stream line kundi yung gawing relevant, yung mga irrelevant ay tanggalin na niya para makatipid ang gobyerno dahil sa bureaucracy ang nakakapag – patagal pa lalo sa public services,”pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Veritas Patrol.

Magugunitang ipinag-utos ng pangulo na bakantehin ang nasa isang libong posisyon sa gobyerno dahil sa pagpapatuloy ng katiwalian tulad ng Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ang Government Service and Insurance System.

Patuloy namang isinusulong ng Simbahang Katolika ang pagiging tunay na lingkod bayan na matapat na nagse serbisyo para sa ikabubuti ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,507 total reads

 56,507 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 143,003 total reads

 143,003 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 186,040 total reads

 186,040 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,799 total reads

 235,799 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,315 total reads

 394,315 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 330,846 total reads

 330,846 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 436,931 total reads

 436,931 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top