Nova Villa, ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,006 total reads

Itinuring na malaking misyon ng aktres na si Nova Villa o Novelita Gallegos ang pagtanggap sa pinakamataas na parangal (Papal award) ng Vatican sa isang layko.

Ayon kay Gallegos, ang pagnanais nitong maging bahagi ng larangan ng sining ay isang misyon na ibigay ng Diyos.

“Yung ambisyon kong mag-artista became a mission, lahat ng ginagawa ko sa showbiz ay may kaakibat na misyon,” pahayag ni Gallegos sa panayam ng Radio Veritas.

Hindi inaasahan ng aktres na sa mahigit limang dekada sa showbiz ay makatatanggap ito ng pagkilala mula sa simbahan o ang Pro Ecclesia Et Pontifice sapagkat lahat ng ginawa nito ay buong pusong inialay sa Panginoon.

“Bukal sa puso ko yung anything na ginagawa ko for God; I’m happy to do it kahit mahirap,” ani ng aktres.

Binigyang diin naman ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na dapat pairalin ng komunidad ang pagtutulungan sapagkat ang pagkilala na tinanggap ni Gallegos ay para sa lahat na kapwa naglilingkod sa parokya.

Sinabi pa nitong ang mga papal awardees ay inaasahang maging saksi ng mabuting balita at magandang halimbawa sa pagiging mabuting Kristiyano.

“Ang papal award ay tatak ng paglilingkod sa simbahan na may kaakibat na malaking responsibilidad; They are shining example sana paano mamuhay bilang kristiyano,” pahayag ni Bishop Gaa.

Panawagan naman ni Gallegos sa mamamayan lalo na sa mga naglilingkod sa simbahan na ipagpatuloy ang pagiging mabuting lingkod ng Panginoon sa kabila ng pagiging bahagi ng iba’t-ibang larangan sa lipunan.

“I think, I am just an instrument of God’s grace to people; by being nice to people, giving smile at them, you’re giving them hope,” dagdag pa ni Gallegos.

Hunyo 2019 nang i-nominate ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias si Gallegos para sa papal award bukod sa anim na iba pang indibidwal mula sa diyosesis.

Ginanap ang paggawad sa Pro Ecclesia Et Pontifice sa aktres sa San Lorenzo Ruiz Parish, Tandang Sora Quezon City noong Enero 14, 2021 sa pangunguna ni Bishop Roberto Gaa kasama si Bishop Tobias, Fr. Niño Etulle, ang kura paroko ng Parokya at iba pang pari ng San Isidro Vicariate.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,421 total reads

 2,421 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,374 total reads

 4,374 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,621 total reads

 12,621 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 49,999 total reads

 49,999 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,270 total reads

 81,270 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,011 total reads

 158,011 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,648 total reads

 251,648 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,423 total reads

 2,423 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top