Agri-graduates, tumanggap ng lupa mula sa DAR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 790 total reads

Tumanggap ng lupa ang 44 na kabataan sa Luzon mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Pinangunahan ni Agrarian Secretary John Castriciones ang pamamahagi ng Certificate of Landownership Award (CLOA) sa DAR44 kung saan mas hinikayat ang kabataan pagyabungin at pagyamanin ang lupa na ipinagkaloob ng gobyerno.

“Mahalagang bigyan natin ng pansin ang sektor ng agrikultura dahil ito ang magpapayaman ng ating bansa, kung malakas ang ating agrikultura, lalago rin ang ating ekonomiya,” bahagi ng pahayag ni Castriciones sa panayam ng Radio Veritas.

Ang mga ipinamahaging lupa sa DAR44 ay sa ilalim ng Executive Order no. 75 na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019 na ipamigay ang mga Government Owned Lands sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Ang DAR44 ang kauna-unahang batch ng mga estudyante na tumanggap ng tig-isang ektaryang lupa makaraang lagdaan ni Castriciones ang Administrative Order no. 3 noong Nobyembre.

Naniniwala ang kalihim ng DAR na sa pamamagitan ng pagkakaloob ng lupa sa mga kabataang magtatapos ng agrikultura ay makatutulong upang mas mahikayat ang mga kabataan na magpursiging kumuha ng kursong may kaugnayan sa agrikultura.



Isinagawa ang awarding ng CLOA sa DAR compound sa Quezon City na dinaluhan ng mga kawani ng kagawaran, ilang kinatawan mula sa Department of Agriculture, Bataan First District Representative Geraldine Roman, Rep. Teodoro Montoro ng AASENSO Party list, Lal-lo Cagayan Mayor Oliver Pascual at iba pa.

Bukod sa lupa, tatanggap din ang ‘agrarian reform beneficiaries’ ng tulong mula sa DAR at iba pang ahensya ng gobyerno para matiyak na mapapaunlad ang lupain at magamit sa pagtatanim ng pagkain.

Bilang suporta ng simbahan sa adhikain ng pamahalaan, may 1,000 scholars naman ang Caritas Manila na tinutulungan upang makapagtapos sa kursong agri-business.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 4,259 total reads

 4,259 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 145,785 total reads

 145,785 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 180,462 total reads

 180,462 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 198,261 total reads

 198,261 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 234,746 total reads

 234,746 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 244,472 total reads

 244,472 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top