Pagpanaw ng ‘priest-anchor’, ipinagluluksa ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 904 total reads

Nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang pamunuan ng Radio Veritas sa pagpanaw ni Fr. Dexter Toledo, OFM at priest anchor ng programang Barangay Simbayanan-Thursday edition.

Ayon kay Fr. Roy Bellen–vice president for Operations ng Radio Veritas, isang kawalan si Fr. Toledo hindi lamang sa himpilan at sa Pransiskanong kongregasyon kundi sa buong Simbahan bilang matapat at masigasig na katuwang sa pagsusulong ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng kanyang angking galing, talento at dedikasyon bilang lingkod ng Diyos.

“Nakakabigla at nakakalungkot ang balita tungkol sa pagpanaw ni Fr. Dexter. Napakarami pa sana ng maari niyang maibigay sa Simbahan at maitulong sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng kanyang kongregasyon, ng kanyang ministry sa media at ng kanyang pagka-pari. He was very promising. Pero sadyang mayroong plano ang Diyos para sa kanya na mas maganda, hindi man natin siguro ngayon maunawaan. Isang kawalan si Fr. Dexter para sa atin, lalo na sa amin sa Radyo Veritas, pero gayun pa man we are sure, isang karagdagan siya sa ating mga tagapag panalangin sa langit.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Roy Bellen sa Radio Veritas.



Si Fr. Toledo ay kilala rin sa kanyang adbokasiya kaugnay sa pangangalaga ng kalikasan na nagsilbing National Coordinator ng Ecological Justice Interfaith Movement at isa sa mga nagtatag ng Global Catholic Climate Movement–Pilipinas.

Si Fr. Toledo ang Provincial Secretary ng Order of Friars Minor Philippines at Director ng OFM Provincial House. Naglingkod rin si Fr. Toledo sa Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) bilang Co-Executive Secretary noong 2014 hanggang 2015 at 2017 hanggang 2018 kung saan siya ay naging aktibo sa pagbabantay sa mga usaping panlipunan na higit na nakakaapekto sa buhay ng bawat mamamayang Filipino.

Si Fr. Toledo ay kabilang sa mga anchor priest ng Radyo ng Veritas sa programang Barangay Simbayanan–Thursday edition kasama ni Ms. Angelique Lazo-Mayuga na tumatalakay sa mga usaping pangkalikasan at pangkalusugan. Ang pari ay pumanaw noong Lunes, February 8 sa edad na 37-taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 171,596 total reads

 171,596 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 243,195 total reads

 243,195 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 276,642 total reads

 276,642 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 311,939 total reads

 311,939 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 531,670 total reads

 531,670 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top