Pag-aayuno at kawanggawa panawagan ngayong Kwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 144,194 total views

Hinihimok ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na tumulong sa mga nangangailangan kasabay ng pag-aayuno ngayong panahon ng kuwaresma na magsisimula sa February 17.

Sa inilabas na liham pastoral ni Bishop Pabillo, muling ilulunsad ng Pondo ng Pinoy ang FAST2FEED program upang makatulong sa programang Hapag-Asa na layong pakainin ang mga batang nagugutom at nakararanas ng malnutrisyon dulot ng kahirapan at epekto ng COVID-19 Pandemic.

Ito’y kaugnay sa paanyaya ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. sa pamamagitan ng Hapag-Asa Integrated Nutrition Program.

Ayon sa Obispo anumang matitipid sa pag-aayuno ay maaaring ibahagi bilang tulong upang mapakain ang mga batang malnourished.

“Whatever you save from fasting you may donate to be used in feeding children who are in danger of stunting and wasting,” ayon sa liham pastoral ni Bishop Pabillo.

Paliwanag ng Obispo, kinakailangan lamang ang 10-piso bawat araw o P1,200 sa loob ng anim na buwan upang mapakain ang isang nagugutom na bata sa loob ng 120 araw.

Sa mga nais na magbahagi ng kanilang tulong, ipadala lamang ang donasyon para sa FAST2FEED sa Caritas Manila.

Ang Hapag-Asa Feeding Program ay pangunahing programa ng Pondo ng Pinoy na itinatag ni Manila Archbishop-Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales noong 2004 na nangangalap ng mga barya para sa mga programa ng Simbahan at hikayatin ang mga Pilipino na mag-impok hindi para sa sarili kundi para sa pagtulong sa kapwa kahit sa maliit na paraan.

Sa tala ng ‘The State of the World’s Children: Children, Food and Nutrition’ noong 2019, isa sa bawat tatlong batang edad limang taong gulang ang maliit para sa kanilang edad, habang pitong porsyento naman ng mga kabataan ang magaan para sa kanilang dapat na timbang.

Taong 2015 nang inilunsad ang pagpapaigting sa mga programa ng Simbahan bilang tugon sa Zero Extreme Poverty Philippines 2030 na naglalayong matulungan ang may 1-milyong pinakamahihirap na pamilya o 5 milyong katao mula sa 350 mga piling munisipalidad sa bansa hanggang sa taong 2030.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 25,286 total views

 25,286 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 47,291 total views

 47,291 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 71,633 total views

 71,633 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 95,346 total views

 95,346 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 129,224 total views

 129,224 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top