Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tahanan Para sa Bawat Pamilyang Filipino

SHARE THE TRUTH

 256 total views

Kay sarap isipin – sa pagtatapos ng bawat araw ng pagkayod, lahat ng pamilyang Filipino ay may uuwiang bahay. Ang sarap pangarapin – na sa bawat pighati at hamon na ating haharapin sa labas, may tahanang papawi ng pagod at luha. Ang sarap asahan – na may tahanang panangga ang bawat Filipino laban sa init ng araw, sa lakas ng ulan, at sa ginaw ng amihan. Lahat ng ito ay pawang mga pangarap na lamang ba?

Ang problema ng pabahay ay dama ng napakaraming pamilyang Filipino. Dekada na ang laban na ito, at hanggang ngayon, hirap pa rin itong mapag-tagumpayan. Tinatayang nasa 6.75 million housing units na ang backlog sa ating bayan. Kung di natin ito masolusyunan, lolobo ito ng 22 million housing units pagdating ng 2040.

Seryosong problema ang homelessness, kapanalig. Ayon nga sa Solicitudo Rei Socialis, “ang kakulangan ng pabahay ay dapat na makita bilang simbulo at pagbubuod ng isang buong serye ng mga pagkukulang ng ating lipunan. Ang laki ng ating pagkukulang. Kung titingnan natin ang pabahay sa bansa, ang layo natin mula sa tunay na kaunlaran ng tao.

Napakamahal kasi magkabahay sa Pilipinas. Ang mga ordinaryong mangagawa, lalo na ang mga nasa informal sector, hirap na hirap makakuha ng sariling tahanan. Kaya marami sa kanila, nagtatayo na lamang ng barong-barong sa mga loteng hindi rin nila pag-aari. Basta malapit sa kanilang trabaho, papatusin na nila. Bawas pa kasi sa kanilang maliit na kita ang pamasahe sa malayong tirahan pati na ang monthly amortization.

Ang iba naman, dahil sa mahal ng pabahay, ay napipilitang umupa. Ayon sa isang pagsusuri ng Philippine Statistical Research and Training Institute (PSRTI) noong 2015, mahigit 1.5 milyong pamilya ang umuupa sa bansa. Sa bilang na ito, mga 498,000 ang umuupa ng may halagang P1,000 hanggang P1,999 kada buwan. Mga barong-barong din ito kapanalig.



Nakakalungkot nga na naaubutan pa ng pandemya ang malawakang kawalan ng maayos na kabahayan ng maraming pamilyang Filipino. Alam naman natin kapanalig, ang barong-barong at magkakadikit na mga bahay ay walang kalaban-laban sa sakit gaya ng COVID-19. Ang hindi disenteng pabahay kapanalig ay imbitasyon sa sakit at sakuna.

Marami pang magagawa ang pamahalaan upang matulungan nito ang mga kababayan natin na makamit ang pangarap na pabahay. Ilan na rito ay ang pagpapalakas at pagpapalawig pa ng Community Mortgage Program ng pamahalaan, at ang pagbabago ng stratehiya mula sa pagtututok sa malalayong relocation sites tungo sa in-city o on-site housing. Kapag ganito ang ating ginawa, mababawasan ang mga pabahay na inabandona o hindi tinirhan, at hindi masasayang ang pondo ng bayan.

Kapanalig, ang tahanan ay karapatan ng bawat Filipino. Ang mga tahanang barong-barong, nakapwesto sa mga mapanganib na lugar, puno ng dumi at sakit, ay nakaka-demoralize at nakaka-dehumanize ng ating pagkatao. Sana, dumating na ang araw na wala ng ni-isang Filipino ang magtitiis at maghihirap pa sa ganitong sitwasyon.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,831 total views

 14,831 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,499 total views

 23,499 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,679 total views

 31,679 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,689 total views

 27,689 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,740 total views

 39,740 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,832 total views

 14,832 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 23,500 total views

 23,500 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 31,680 total views

 31,680 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 27,690 total views

 27,690 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 39,741 total views

 39,741 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,567 total views

 55,567 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,572 total views

 84,572 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,136 total views

 105,136 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 87,061 total views

 87,061 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,842 total views

 97,842 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,898 total views

 108,898 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,760 total views

 72,760 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,189 total views

 61,189 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,411 total views

 61,411 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,113 total views

 54,113 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top