Income inequality, nararanasan pa rin sa Pilipinas 35-taon makalipas ang EDSA People Power revolution

SHARE THE TRUTH

 1,486 total views

Maituturing na himala ang naganap na EDSA People Power Revolution sa Pilipinas 35-taon na ang nakakalipas.

Ito ang mensahe ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Pangulo ng Radio Veritas kaugnay sa ika-35 taong paggunita sa tinaguriang makasaysayang bloodless revolution sa bansa.

Ayon sa Pari, bilang isang seminarista ay kanyang nasaksihan ang mapayapang pagtatapos ng diktadura sa bansa na nakamit ng mga Filipino hindi sa pamamagitan ng dahas kundi sa pamamagitan ng pagkakaisa at paninindigan laban sa mapang-abusong rehimeng Marcos.

“Napakahalaga ang pagdiriwang ng People Power Revolution sa Pilipinas 35 taon na, alam mo kasama ako diyan seminarista ako during that time at isang malaking himala ang naganap sa Pilipinas natanggal natin ang diktadura sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, ito ay tunay na himala ng Panginoon. Maraming rebolusyon ang marahas at madugo pero tayo ay naging mapayapa at masaya.” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Fr. Pascual na mahalagang maipagpatuloy ang adhikain ng makasaysayang EDSA People Power Revolution na pagsusulong ng pagbabago at pag-unlad ng Pilipinas para sa kapakanan ng mamamayang Filipino.

Ipinaliwanag ni Father Pascual na nananatili ang ‘income inequality’ sa bansa kung saan hindi nasusolusyunan ang malaking agwat ng mahihirap at mayayaman na isang mahalagang hamon ng EDSA People Power Revolution.

“Kaya ito ay ating pagyamanin at ipagpatuloy pa rin natin ang adhikain ng EDSA People Power – ang pagbabago ng bansa lalong-lalo na sa kapakanan ng mga mahihirap at ng mga nasa laylayan. Matindi pa din ang income inequality sa ating bansa kaya patuloy pa din ang diwa at hamon ng EDSA People Power Revolution, baguhin ang Pilipinas sa mapayapang paraan at tugunan natin ang suliranin ng kahirapan, yun ang napakahalagang hamon ng EDSA People Power Revolution.”pahayag ni Fr. Pascual.

MISYON NG RADIO VERITAS
Bilang Pangulo ng Radio ng Veritas na malaki ang naging papel sa makasaysayang EDSA People Power Revolution, tiniyak ni Fr. Pascual ang patuloy na paninindigan ng himpilan upang maipahayag ang katotohanan sa kabila ng anumang banta at paglaganap ng mga kasinungalingan.

Naninindigan ang Pari na hindi magbabago ang paninindigan ng Radio ng Simbahan sa pagsusulong at pagpapalaganap ng katotohanan mula sa Panginoon.

“Ang misyon ng Radio Veritas ay ipahayag ang katotohanan na nanggagaling sa Panginoon ng walang pagkatakot at walang kinikilingan at isinasaalang-alang ang kapakanan ng mas nakararami at mahalaga ipinapahayag natin ang katotohanan na magpapalaya sa atin. Sinuman o anuman na humaharang sa pagpapahayag ng katotohanan ay kalaban natin.” Ayon kay Fr. Pascual.

POLITICAL CRISIS SA MYANMAR

Nagpaabot rin ng mensahe si Fr. Pascual sa mga mamamayan ng bansang Myanmar na tulad ng sitwasyon ng Pilipinas 35-taon na ang nakakalipas ay humaharap ngayon sa banta ng pagsasantabi sa demokrasya ng kanilang bansa.

Ayon sa Pari, kaisa ng mamamayan ng Myanmar ang mga Filipino sa pananalangin na magtapos ng mapayapa ang kaguluhan sa bansa at mangibabaw ang pagpapahalaga sa demokrasya at kalayaan ng bawat isa.

Iginiit ni Fr. Pascual na walang magandang maidudulot o kahihinatnan ang karahasan sa halip ay dapat na mangibabaw ang nasasaad sa batas kabilang na ang paggalang sa resulta ng halalan at mapayapang pagpapalit ng pamunuan sa isang malinis at maayos na pamamaraan.

“Tayo ay nagdarasal sa mapayapang pagtatapos ng kaguluhan sa Myanmar, tayo ay sumusuporta sa demokrasya, mapayapang pagpapalit ng pamunuan sa pamamagitan ng isang malinis, maayos at tuwid na halalan at anumang organisasyon o institusyon tulad ng militar na nag-a-undermine ng institusyon ng demokrasya ay ating hindi sinasang-ayunan. Tayo po ay nakikiisa sa buong mundo at nakikiusap sa militar ng Myanmar na tapusin na ang kudeta na ito sapagkat violence begets violence tandaan po natin, naniniwala tayo sa rule of law at sa mapayapang pagpapalitan ng pamunuan, ng pamahalaan sa isang malinis na halalan.” Mensahe ni Fr. Pascual sa sitwasyon sa Myanmar.

September 21, 1972 nang magdeklara ng Martial law si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa tala ng Amnesty International, aabot sa mahigit 34,000 Filipino ang dumanas ng pang-aabuso at iba’t-ibang uri ng karahasan bukod pa sa 70,000 na mga nakulong at mahigit 3,200 pinaslang.

Pebrero taong 1986 naging mitsa ng makasaysayang EDSA People Power Revolution ang ginawang pagtiwalag sa administrasyong Marcos ng ilang opisyal ng pamahalaan na sinundan pa ng makailang beses na panawagan sa himpapawid sa pamamagitan ng Radyo Veritas ng noo’y Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila na si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Sa harap ng mga tangke at ng puwersang militar dumagsa sa EDSA ang mamamayan mula sa iba’t- ibang antas ng lipunan kasama ang mga lingkod ng Simbahan upang maiwasan at mapigilan ang madugong sagupaan sa pagsusulong ng kalayaan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 8,921 total views

 8,921 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 15,077 total views

 15,077 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 19,439 total views

 19,439 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 30,031 total views

 30,031 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 38,254 total views

 38,254 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Kauna-unahang EJK memorial site, pasisinayaan sa labor day

 4,499 total views

 4,499 total views Nakatakdang pasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom’ na magsisilbing himalayan ng mga biktima ng extra-judicial killings. Inihayag ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder and President Fr. Flavie Villanueva SVD na layunin ng ‘Dambana ng Paghilom’ na kauna-unahang EJK Memorial Site na mabigyan ng

Read More »
Environment
Reyn Letran - Ibañez

MaPSA nagsagawa ng donation campaign, sa pagsasaayos ng nasunog na paaralan

 5,271 total views

 5,271 total views Nagpahayag ng pakikiisa sa Paco Catholic School ang Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MaPSA) matapos ang naganap na sunog na tumupok sa bahagi ng paaralan noong nakalipas na Sabado. Bilang tugon sa pangangailangan ng Paco Catholic School ay naglunsad ng inisyatibo ang MaPSA upang makapangalap ng donasyon na makakatulong para sa muling

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

 5,249 total views

 5,249 total views Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 5,893 total views

 5,893 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

 7,323 total views

 7,323 total views Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay. Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, nag-alay ng panalangin para sa mga opisyal ng Pilipinas

 9,991 total views

 9,991 total views Nag-alay ng panalangin ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para mga opisyal at lider na namamahala sa bansa. Kasabay ng paggunita sa Good Shepherd Sunday na itinuturing din na Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa Bokasyon, inalala at ipinanalangin ng Caritas Philippines sa pangunguna ng

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagpapatigil ng human rights violations sa Negros island, apela ng Obispo sa pamahalaan

 11,697 total views

 11,697 total views Umaapela ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay seguridad at katarungang panlipunan sa Negros island. Ito ang mensahe ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Vice-President ng Caritas Philippines bilang suporta sa isinasagawang 24-hour Fasting Protest ng mga political

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

100-political prisoners, magsasagawa ng 24-hour fasting protest

 14,744 total views

 14,744 total views Magsasagawa ng 24-hour Fasting Protest ang may 100-political prisoners sa Negros island upang ipanawagan sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagsagawa ng maayos na imbestigasyon sa mga kaso ng human rights violations na nagaganap sa lalawigan. Inihayag ng Negros Occidental Chapter ng Kapisanan para sa Pagpapalaya ng mga Detinidong Pulitikal sa Pilipinas

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagkilala sa mga kababaihan, nararapat at napapanahon

 13,276 total views

 13,276 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ang pagbibigay halaga at pangunguna ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa kapakanan ng mga kababaihan para sa patas na pagtingin sa bawat isa sa lipunan. Ito ang ibinahagi ni CBCP Office on Women chairman Borongan Bishop Crispin

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ecumenical council sa Negros, nagpahayag ng pakikiisa sa Palestina

 20,590 total views

 20,590 total views Nagpahayag ng suporta at pakikiisa sa bansang Palestina ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C) na binubuo ng mga opisyal ng Roman Catholic Church, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at United Church of Christ of the Philippines (UCCP) sa Negros-island. Sa isang solidarity message na nilagdaan ng apat na opisyal ng iba’t ibang denominasyon mula

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Historical revisionism, pipigilan ng Martial Law Digital Library

 21,331 total views

 21,331 total views Naniniwala ang Ateneo Martial Law Museum na kinakailangang balikan ang kasaysayan ng bansa o mga nangyari sa nakaraan upang tumimo ang mga aral na hatid nito at maiwasang maulit sa kasalukuyang panahon. Ito ang ibinahagi ni Oliver John Quintana – coordinator ng Ateneo Martial Law Museum and Library sa programang Barangay Simbayanan sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 14,530 total views

 14,530 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 15,007 total views

 15,007 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 17,058 total views

 17,058 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 19,412 total views

 19,412 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top