Caritas Philippines, tiniyak ang tulong sa nasalanta ng bagyong Auring

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total reads

Nananawagan ng tulong at panalangin ang Diyosesis ng Tandag kaugnay sa iniwang pinsala ng bagyong Auring na nagdulot ng malawakang pagbaha at malaking pinsala sa Surigao del Sur.

Sa kabila nito, ayon kay Tandag Bishop Raul Dael ay patuloy nang bumubuti ang panahon sa lalawigan at humuhupa na rin ang baha sa ilang lugar kaya pinabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga pamilyang lumikas sa mga evacuation centers.

”After the storm, the heavy rains, and the flood the 20, 940 families coming from the 202 barangays fairly distributed to the 394 evacuation centers for their safety are now back to their respective homes,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Dael sa panayam ng Radio Veritas.

Naitala sa 31, 124 pamilya o katumbas ng 79,963 katao ang naapektuhan ng bagyo, isa ang nawawala at 187 mga bahay ang tuluyang nasira.

Dagdag pa ng Obispo na aabot naman sa 66-milyong piso ang halaga ng mga nasirang pananim dahil sa matinding pagbahang idinulot ng bagyo.

Magpapahatid naman ng tulong at suporta ang social arm ng Catholic Bishops Conference of The Philippines (CBCP) para sa mga nasalanta ng nagdaang sakuna.

Ayon kay CBCP-NASSA/Caritas Philippines Chairman at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na sila ay nakikipag-ugnayan na sa Diyosesis ng Tandag upang maipahatid ang tulong sa mga naapektuhang residente.

Pagbabahagi pa ni Bishop Bagaforo na patuloy naman ang pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at iba pang organisasyon sa Diyosesis upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

“NASSA is on standby and ready to provide what assistance they would need. Our humanitarian department has reserved financial assistance in case they would need it. For now, we are on close updating the situations,” ayon kay Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, And Astronomical Services Administration (PAGASA), tuluyan nang humina ang Bagyong Auring at isa is ana lamang sama ng panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 4,439 total reads

 4,439 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,948 total reads

 40,948 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,354 total reads

 97,354 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,809 total reads

 220,809 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,120 total reads

 176,120 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top