Pamunuan ng Quiapo church, binati ng opisyal ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total views

Binati ng opisyal ng Vatican ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa pagkakabilang nito sa nangungunang influencers sa social media.

Sa mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples, hinamon nito ang mga naglilingkod sa dambana ng Poong Nazareno na patuloy ipalaganap ang misyon na ipakilala si Hesus sa sambayanan lalo ngayong ipinagdiwang ng bansa ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo.

“Congratulations to the Quiapo church ministers and community; Jesus is the ‘influencer’ we need and seek,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Batay sa pag-aaral ng BluePrint.PH pangalawa ang Quiapo Church sa top 10 influencer na nangangahulugang sinusundan ng maraming netizens ang mga gawain ng simbahan tulad ng banal na misa.

Ang Quiapo Church Facebook page ay may 1.6 million likes habang mahigit sa tatlong milyon naman ang followers. Una nang tiniyak ng Quiapo Church ang pagpapaigting sa ebanghelisasyon kung saan bukod sa mga banal na misa ay nagbabahagi rin ito ng mga katesismo.

Itinuturing naman ni Fr. Douglas Badong na malaking responsibilidad ang pagkabilang sa mga top influencers lalo’t halos 70 porsyento sa kabuuang populasyon ng Pilipinas ay gumagamit ng internet at naglalaan ng oras sa social media. Nang magsimula ang lockdown bunsod ng coronavirus pandemic noong Marso lahat ng mga gawaing pangsimbahan ay isinagawa online upang patuloy na makapaglingkod sa mga mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,570 total views

 47,570 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,439 total views

 43,439 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,641 total views

 79,641 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,344 total views

 88,344 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,625 total views

 113,625 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top