PGH Chaplain, duda sa COVID 19 vaccine ng Sinovac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 750 total reads

Mas makabubuting maghintay na lamang kung may paparating na mas epektibong bakuna laban sa coronavirus.

Ito ang tugon ni Fr. Marlito Ocon, SJ, head chaplain ng Philippine General Hospital hinggil sa naging pahayag ng pamunuan ng PGH sa paggamit ng bakunang likha ng Sinovac sa mga empleyado ng nasabing ospital.

Ayon kay Fr. Ocon, mas makabubuting hintayin na lamang ang mas epektibong bakuna para na rin sa kaligtasan ng mga pasyenteng kanilang binibigyang lunas lalo’t higit sa medical frontliners.

“I’d rather wait for the best one kung meron mang darating. Kasi sinasabi naman nilang meron. Hindi naman siya parang ‘yan lang ang darating na kailangan natin or ‘yan lang ang vaccine mayroon na kailangan natin to take the risk for the sake also of the people we serve, our patients and to all frontliners na nandirito [sa ospital],” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi rin ng pari na muling nagsagawa ng pagpupulong ang pamunuan ng PGH kasama ang Department of Health noong Pebrero 28 kung saan muling tinalakay ang pagbabakuna ng Sinovac sa mga empleyado ng ospital.

Tinalakay dito ang resulta mula sa isinagawang survey ng PGH na nasa 95-porsyento ang tutol na mabakunahan ng Sinovac.

Isa sa mga dahilan ni Fr. Ocon sa hindi pagpapabakuna ng Sinovac ay dahil kapag nabakunahan na nito ay hindi na puwede pang tumanggap ng ibang uri ng COVID-19 vaccine.

“Once na mabakunahan ka ng Sinovac, by the time na dumating yung Pfizer or other better vaccines hindi ka na maaaring magpabakuna ng iba pang vaccine,” ayon kay Fr. Ocon.

Umaasa naman ang pari na ginagawa ng pamahalaan ang kanilang makakaya upang makakuha at maibigay sa publiko ang mas epektibo at ligtas na vaccine lalo’t higit sa mga health worker na pinaglilingkuran ang mga mas nangangailangan ng karampatang lunas.

Batay sa Food and Drug Administration, ang Sinovac ay ang biopharmaceutical company mula sa Beijing, China na lumikha ng CoronaVac na nasa 50-percent lamang ang efficacy rate kumpara sa ibang COVID-19 vaccine.

Inirerekomenda lamang ang pagbabakuna ng Sinovac sa mga indibidwal na may edad 18 hanggang 59 na taong gulang at hindi para sa mga healthcare workers na mas lantad sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 23,781 total reads

 23,781 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 110,424 total reads

 110,424 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 157,164 total reads

 157,163 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 205,035 total reads

 205,035 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 307,827 total reads

 307,827 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 168,542 total reads

 168,542 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top