Ekonomiya ng Pilipinas, bubuksan na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 745 total reads

Tiniyak ng pamahalaan na unti-unti nang bubuksan ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa panawagan ng mga ekonomista na buksan ang ekonomiya upang patuloy makabangon ang bansa sa negatibong epekto ng Coronavirus pandemic.

Ayon sa tagapagsalita ng punong ehekutibo, magagawa ito ng pamahalaan sa pakikipagtulungan na rin ng mamamayan lalo’t nagsimula na ang vaccination program ng gobyerno.

“Kaya nating gawin yun [reopening economy] kasi may mga localized lockdown naman tayo at the same time may available na bakuna na rin sa bansa,” pahayag ni Roque.

Matatandaang naglabas ng joint statement ang National Economic and Development Authority, Department of Finance at Department of Budget and Management upang ipanawagan ang tuluyang pagbubukas ng ekonomiya na lilikha ng trabaho para sa mga Filipino.

Sa huling datos ng Philippine Statistic Authority, umabot na sa mahigit walong porsyento ang unemployment rate sa bansa o katumbas sa mahigit apat na milyong Filipino ang walang pinagkakitaan dahil na rin sa pagkalugi ng mga negosyo.

Nanawagan naman si Roque sa mamamayan ng ibayong pag-iingat lalo’t nanatili ang banta sa lipunan ng COVID 19.

“Panawagan ko lamang sa lahat na pag-ingatan ang buhay upang makapag hanap buhay,” ani Roque.

Patuloy naman ang pagkilos ng simbahan sa pangunguna ng mga social action centers upang tulungan ang mahihirap na sektor na labis naapektuhan sa mahabang community quarantine sa Pilipinas mula noong Marso 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 105,443 total reads

 105,443 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 243,722 total reads

 243,722 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 359,499 total reads

 359,499 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 475,629 total reads

 475,629 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top