Cardinal Tagle sa mga Filipino, ibahagi ang “gift of faith” sa mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 929 total views

Hinimok ng isang opisyal ng Vatican ang mga Filipino na ibahagi ang kaloob na pananampalatayang tinanggap sa buong mundo.

Ito ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples sa pagdiriwang ng ikalimang siglo ng kristiyanismo ng Pilipinas na ginanap sa Vatican.

Ayon kay Cardinal Tagle, bagamat may mga pagkukulang bilang tagasunod ni Kristo ay kinikilala naman ng bawat isa ang kahalagahan ng kristiyanismo sa paghubog ng kultura at pagkatao ng mga Filipino.

“The gift must continue being a gift. It must be shared. By God’s mysterious design, the gift of faith we have received is now being shared by the millions of Christian Filipino migrants in different parts of the world,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Pinasalamatan ng Cardinal ang mga ninuno, mga misyonerong pari at layko na nagdala ng kristiyanismo sa Pilipinas noong 1521 kung saaan patuloy na ipinapayabong ng mamamayan.

Bukod sa mga pari, madre at relihiyoso ay malaki din ang papel na ginagampanan ng pamilya sa pagpapalago ng pananampalataya, mga guro sa mga eskwelahang humubog sa kabataan at ang mga katekista na katuwang ng simbahan.

Pinasalamatan din ng opisyal ng Vatican ang mahigit sampung milyong O-F-W sa ba’t-ibang panig ng mundo dahil sa masigasig na pakikiisa sa gawain ng simbahan na isang paraan upang mapalaganap ang pananampalataya.

Pinangunahan ni Pope Francis ang pagdiriwang ng banal na misa para sa 500 Years of Christianity sa St. Peter’s Basilica kasama sina Cardinal Tagle at Cardinal Anghelo de Donatis, ang Vicar ng Santo Papa sa Roma.

Hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga Filipinong migrante na manatiling kumapit sa Panginoon at sa Mahal na Birhen sa mga panahong pinanghihinaan bunsod ng iba’t-ibang hamong kinakaharap sa buhay.

“When lonely moments come, Filipino migrants find strength in Jesus who journeys with us, the Jesus who became a Child (Santo Nino) and known as the Nazarene (Jesus Nazareno), bore the Cross for us. We are assured of the embrace of our Mother Mary and the protection of the saints,” giit ni Cardinal Tagle

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 65,414 total views

 65,414 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 109,022 total views

 109,022 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 191,978 total views

 191,978 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 204,159 total views

 204,159 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top