Pananampalataya, hindi maaring ihiwalay sa paglilingkod sa lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total reads

Naniniwala ang dating opisyal ng gobyerno na hindi maaaring ihiwalay ang pananampalataya sa paglilingkod sa lipunan.

Ito ang binigyang diin ni dating Department of National Defense Secretary Norberto Gonzales sa isang pahayag kasabay ng pagtatalaga ng Santuario Diocesano de la Sagrada Familia sa Tala Orani Bataan.

Ipinaliwanag ni Gonzales na mahalaga ang mga aral ng Panginoon na gawing batayan at patnubay sa pagtataguyod ng komunidad.

“Isang leksyon na natutuhan ko [sa pagiging public servant] ay hindi pwedeng ihiwalay ang ating paniniwala at ang hinihiling ng ating pananampalataya sa isa’t isa; hindi pwedeng ihiwalay yan sa pagtugon sa ating tungkulin sa lipunan at mamamayan dapat laging nasa puso at sa isip ang mga ginintuang aral na ibinigay sa atin ng Panginoon,” pahayag ni Gonzales.

Ayon kay Gonzales, marapat ipagpasalamat sa Diyos ang biyaya ng pananampalataya na tinanggap ng mga Pilipino 500 taon ang nakalipas.

Ang halos dalawang ektaryang dambana ng Banal na Mag-anak ay donasyon ng pamilya ni Gonzales sa Diyosesis ng Balanga na matatagpuan sa Mt. Naib sa barangay Tala, Orani,Bataan.

Sinabi pa ng opisyal na hindi sinayang ng mga Pilipino ang kaloob na pananampalataya sa nakalipas na limang sentenaryo sapagkat naipalaganap at mas lumawak ito sa kasalukuyan.

“Significant occasion ito kasi kung tatanawin natin ang nakalipas, hindi sinayang ng mga Pilipino ang 500 taong nakaraan sapagkat ang sambayanang Pilipino ay isa sa pinakamatibay na moog ng pananampalataya,” ani ng opisyal.

Nagpasalamat naman si Bishop Ruperto Santos sa pamilya Gonzales sa pagkakaloob ng dambana kung saan ito rin ay regalo ng diyosesis sa Inang simbahan sa bansa sa pagdiriwang ng 500 years of christianity.

Umaasa naman si Gonzales na tanggapin ng bawat mananampalataya ang hamon na mas mapalawak pa ang kristiyanismo hindi lamang sa buong bansa kundi sa buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 68,111 total reads

 68,111 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 163,727 total reads

 163,727 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 207,995 total reads

 207,995 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 231,104 total reads

 231,104 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 303,160 total reads

 303,160 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top