Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pampublikong pagdiriwang ng banal na misa, ipinatigil muna ng Metropolitan Diocesesis

SHARE THE TRUTH

 635 total views

Pansamantalang ipinatigil ng Arkidiyosesis ng Maynila at mga Diyosesis ng Pasig, Parañaque at Kalookan ang pampublikong pagdiriwang ng mga banal na misa simula ngayong araw ika-22 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril, 2021.

Ito’y pagtalima sa inilabas na panuntunan ng Inter-Agency Task Force na ipagpapaliban sa loob ng dalawang linggo ang iba’t-ibang pampublikong pagdiriwang hanggang ika-4 ng Abril upang mahinto ang paglaganap ng COVID-19.

Bagamat ipinagbabawal muna ang mga pagtitipon, matutunghayan pa rin sa pamamagitan ng livestream ang mga banal na Misa lalo’t higit ang paggunita ng Semana Santa.

Nakasaad naman sa liham sirkular na inilabas ni Parañaque Bishop Jesse Mercado, hinihikayat nito ang mga mananampalataya na ipanalangin ang tuluyang paghupa ng pangkalusugang krisis na lubos nang nagpapahirap sa bansa.

“I am encouraging all of you to pray to the best of your ability for the resolution of this crisis,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mercado sa kanyang liham sirkular.

Naunang nagdeklara ng dalawang linggong lockdown ang Diyosesis ng Novaliches at Cubao sa mga nasasakupang parokya at mga kapilya nito.

Read: https://www.veritas846.ph/lahat-ng-simbahan-sa-diocese-ng-novaliches-isasailalim-sa-lockdown/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,118 total views

 15,118 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,078 total views

 29,078 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,230 total views

 46,230 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,485 total views

 96,485 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,405 total views

 112,405 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 38,259 total views

 38,259 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top