Plastic treaty, isinulong ng BAN toxics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,933 total views

Hinamon ng BAN Toxics ang pamahalaan na isulong ang pagkakaroon ng Plastic Treaty upang matugunan ang lumalalang plastic pollution sa bansa.

Ayon kay BAN Toxics Policy and Research Associate Jam Lorenzo, dapat paigtingin pa sa bansa ang mga batas laban sa plastic, kabilang na ang pag-iwas at pag-iingat sa paggamit ng anumang uri nito.

Moreover, sustainable production and consumption of plastics should include a mechanism for controlling virgin plastic production through caps, phase downs, and polymer restrictions. Reimagining the design of plastic products is another essential element that can be achieved through sustainability criteria, restrictions, and requirements,” ayon kay Lorenzo.

Iginiit ni Lorenzo na mahalagang malinaw na naipababatid sa publiko ang mga kemikal na ginagamit sa paglikha ng plastic upang makatulong sa layuning mabawasan ang plastic pollution, maging sa pagsusulong sa karapatan ng publiko para sa kaalaman at kaligtasan.

Dagdag pa ng grupo na dapat ding matiyak na kabilang sa kasunduan ang pagpapahalaga sa karapatan ng mga apektadong pamayanan lalo na ang informal waste pickers, sapagkat sila ang responsable sa 50-porsyento na nakokolektang plastic sa buong mundo, at mahalagang mapagkukunan ng kaalaman hinggil sa wastong pamamahala sa plastic.

We urge the Philippine government to support their full participation throughout the negotiations to share expertise essential for developing effective approaches and enabling visibility, protection, and the opportunity to be part of solutions,” saad ni Lorenzo.

Batay sa tala ng World Bank, aabot sa 2.7 milyong toneladang plastic waste ang nalilikha sa Pilipinas bawat taon, kung saan 28 porsyento lamang nito ang na-recycle.

Kilala rin ang Pilipinas bilang ‘sachet economy’ dahil sa paggamit ng 59.8 bilyong piraso ng plastic sachet, batay sa pagtataya ng Global Alliance for Incinerator Alternatives noong 2019.

Una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pamamagitan ng Laudato Si’ na bawasan na ang paggamit ng mga plastic at iba pang disposable materials upang mabawasan ang nalilikhang basura na nagiging tambak lamang sa kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 27,870 total views

 27,870 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 77,884 total views

 77,884 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 73,753 total views

 73,753 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 109,394 total views

 109,394 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 116,412 total views

 116,412 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top