Pamahalaan, hinamong tugunan ang pagkukulang sa problemang pangkalusugan ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 777 total reads

Nananawagan sa pamahalaan ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ayusin ang sistema ng kalusugan sa muling pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa bansa.

Ayon kay Camillian Priest Fr. Dan Vicente Cancino, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, nawa’y higit pang paigtingin ng Administrasyong Duterte at ang mga lokal na pamahalaan ang sistema ng kalusugan sa bansa bilang tugon sa epekto ng pandemya.

Ipinaliwanag ng pari na bagama’t mayroon nang bakuna laban sa virus ay marami pa ring pagkukulang ang pamahalaan sa pagtugon sa iba’t ibang uri ng sakit lalo’t higit sa COVID-19.

“Magandang siguro kumatok din tayo sa ating gobyerno na patatagin [at] palakasin ‘yung health systems natin in response to COVID-19. Marami pa ring aspeto doon sa health systems natin na hindi napapatatag,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Cancino na karamihan din sa mamamayan ang umaasa sa tulong ng mga lokal na pamahalaan dahil ito ang mas madaling malapitan lalo na’t muling ipinatutupad ang mahigpit na panuntunan upang maging ligtas sa banta ng virus.

“Hindi kaila na may mga local government units na ginagawa talaga ‘yung kanilang makakaya, ngunit may mga iba rin na kulang pa. Kaya nga dapat mapaigting pa ‘yon [health system], ma- monitor ang performance din ng mga local government units sa performance ng COVID-19,” ayon kay Fr. Cancino.

Binigyang pansin naman ni Fr. Cancino ang sistema ng pangongolekta ng datos para sa mga nagkakaso ng COVID-19 na nawa’y mapabuti pa ito ng pamahalaan lalo’t higit ng Department of Health dahil ito ang pinagbabatayan sa paglikha ng mga desisyon sa pagtugon sa pandemya.

Samantala, tiniyak naman ng opisyal ng CBCP na patuloy na isasagawa ng simbahan ang pagpapalaganap ng kaalaman upang maiwasan at mapigilan ang epekto ng COVID-19 na dapat isaalang-alang ng publiko.

Gayundin ang pagpapalalim ng pananampalataya ng mga tao na makatutulong sa pagbibigay ng katatagan sa kabila ng mga suliranin ngayong pandemya.

“Tutulong tayo [simbahan] sa abot ng ating makakaya. Lalong lalo na sa pagpapalaganap ng kamalayan dito sa Infection Prevention and Control, importante ‘yan. At ‘yung building resiliency ng community sa pamamagitan ng pagpapalalim ng buhay pananampalataya,” ayon sa pari.

Muling ipinagpaliban ang mga pampublikong pagdiriwang ng mga banal na misa sa mga Diyosesis na sakop ng NCR, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan bilang pagtalima sa kautusan ng Inter-Agency task for Force for Emerging Infectious Disease.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, naitala ang 8,019 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa; habang 103-katao ang gumaling at 4 naman ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 55,674 total reads

 55,674 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 152,100 total reads

 152,100 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 196,369 total reads

 196,369 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 219,478 total reads

 219,478 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 292,127 total reads

 292,127 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,971 total reads

 145,971 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top