Langis para sa maysakit, krisma, pagbibinyag at kumpil, binasbasan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,462 total reads

Pinaalalahanan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na ang pagiging kristiyano ay nakabatay kay Kristo Hesus.

Ito ang sentro ng pagninilay ng obispo sa ginanap na Chrism Mass sa Manila Cathedral nitong Miyerkules Santo.

Paliwanag ni Bishop Pabillo na ang Chrism Mass ay nagpapaalala sa bawat isa na lahat ng binyagang kristiyano ay itinalagang misyonero.

“Ang ating chrism mass ay nagpapaalaala sa atin sa kahulugan ng ating pagiging mga anointed; We too are anointed to bring good news to the poor,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Sa isinagawang chrism mass ay binasbasan ng obispo ang banal na langis na ginagamit para sa mga maysakit at ang langis ng krisma na ginagamit sa pagbibinyag at pagkukumpil.

Paalala pa ni Bishop Pabillo na ang pagpapahid ng langis ay tanda ng pagtatalaga at pakikibahagi sa misyon ni Hesus.

“Ang pagtatalaga na ito ay ginagawa sa mga hari, mga pari at mga propeta. Ang ating paniniwala ay si Jesus ang hari, pari, at propeta na itinalaga ng Diyos. Hindi lang si Jesus ang nilangisan; tayo rin ay nilangisan. Nakiisa din tayo sa mga gawain ni Jesus bilang mga pari, hari at propeta. Itinalaga din tayo ng Diyos,” ani ng obispo.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na ang lahat ng binyagan ay may tungkuling ihatid ang mabuting balita ng Panginoon sa higit nangangailangan upang mas mapalawak pa ito alinsunod sa tema ng ‘Year of Missio Ad gentes’ na ‘gifted to give.’

“We are gifted with the faith in order to give the faith. Kaya bilang mga binyagan tayo ay nagsasalita at naninindigan para sa katotohanan at para sa mga aral ng Diyos. Nakikiisa tayong lahat sa pagpapalawak ng mga aral ni Jesus,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Hamon ng tagapangasiwa ng arkidiyosesis sa mananamapalataya na maging masigla at matapang sa pagiging kristiyano na handang ipalaganap ang mga aral ng Panginoon sa lipunan sa kabila ng mga hamong kakaharapin.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,278 total reads

 5,278 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,003 total reads

 7,003 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 16,712 total reads

 16,712 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 54,090 total reads

 54,090 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 85,360 total reads

 85,360 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 161,817 total reads

 161,817 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 255,237 total reads

 255,237 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,279 total reads

 5,279 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top