Bigyan ng pahinga ang kalikasan ngayong Semana Santa—CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 816 total reads

Hinihimok ng Caritas Philippines ang lahat ng mananampalataya na bigyan ng pahinga ang inang kalikasan ngayong Semana Santa.

Iginiit ng Caritas Philippines at EcoWaste Coalition na kailangang kumilos upang mapigilan ang paglala ng polusyon sa kapaligiran lalo na sa pagbabawas sa paggamit ng single-use plastic.

Ayon kay Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Antonio Labiao, Jr., bilang mga katiwala ng likas na yamang likha ng Diyos ay inaanyayahan ang bawat isa ngayong Semana Santa na magkaroon ng malalim na pagninilay sa mga nagaganap sa kapaligiran at klima.



Gayundin ang panawagang sama-samang ipahayag at kumilos upang maipagtanggol ang inang kalikasan mula sa lubusang pagkasira dahil sa walang tigil na gawain ng tao na nakasisira ng likas na yaman.

“As stewards of God’s Creation, let us celebrate the Paschal Mystery of the Holy Week with a deeper reflection on what is happening to our environment and the climate and the need for us to speak and act as one to defend our Mother Earth from being further degraded and harmed,” pahayag ni Fr. Labiao.

Dagdag pa ng opisyal ng simbahan na pagnilayan din ang naidudulot ng mapanirang “throw away culture” na ginagawang dumping sites ng mga mapanganib na kemikal at basura ang mga lupa at karagatan.



Hinihikayat din ni Fr. Labiao ang lahat na pakinggan ang hinaing ng inang kalikasan na iligtas mula sa nakapipinsalang aktibidad ng mga tao.

“Let us listen to the cries of Mother Earth who is choking from tons upon tons of single-use plastic waste, and act with compassion and urgency to save her from this sorry plight,” ayon sa pari.

Magugunitang sa Laudato Si ni Pope Francis, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran, dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang nagmimistulang malawak na tambakan ng basura ang daigdig.

Ang Caritas Philippines ay ang humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,299 total reads

 93,299 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,463 total reads

 170,463 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,911 total reads

 203,911 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,210 total reads

 239,210 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,105 total reads

 462,105 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,215 total reads

 158,215 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top