Langis para sa maysakit, krisma, pagbibinyag at kumpil, binasbasan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,526 total reads

Pinaalalahanan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na ang pagiging kristiyano ay nakabatay kay Kristo Hesus.

Ito ang sentro ng pagninilay ng obispo sa ginanap na Chrism Mass sa Manila Cathedral nitong Miyerkules Santo.

Paliwanag ni Bishop Pabillo na ang Chrism Mass ay nagpapaalala sa bawat isa na lahat ng binyagang kristiyano ay itinalagang misyonero.

“Ang ating chrism mass ay nagpapaalaala sa atin sa kahulugan ng ating pagiging mga anointed; We too are anointed to bring good news to the poor,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Sa isinagawang chrism mass ay binasbasan ng obispo ang banal na langis na ginagamit para sa mga maysakit at ang langis ng krisma na ginagamit sa pagbibinyag at pagkukumpil.

Paalala pa ni Bishop Pabillo na ang pagpapahid ng langis ay tanda ng pagtatalaga at pakikibahagi sa misyon ni Hesus.

“Ang pagtatalaga na ito ay ginagawa sa mga hari, mga pari at mga propeta. Ang ating paniniwala ay si Jesus ang hari, pari, at propeta na itinalaga ng Diyos. Hindi lang si Jesus ang nilangisan; tayo rin ay nilangisan. Nakiisa din tayo sa mga gawain ni Jesus bilang mga pari, hari at propeta. Itinalaga din tayo ng Diyos,” ani ng obispo.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na ang lahat ng binyagan ay may tungkuling ihatid ang mabuting balita ng Panginoon sa higit nangangailangan upang mas mapalawak pa ito alinsunod sa tema ng ‘Year of Missio Ad gentes’ na ‘gifted to give.’

“We are gifted with the faith in order to give the faith. Kaya bilang mga binyagan tayo ay nagsasalita at naninindigan para sa katotohanan at para sa mga aral ng Diyos. Nakikiisa tayong lahat sa pagpapalawak ng mga aral ni Jesus,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Hamon ng tagapangasiwa ng arkidiyosesis sa mananamapalataya na maging masigla at matapang sa pagiging kristiyano na handang ipalaganap ang mga aral ng Panginoon sa lipunan sa kabila ng mga hamong kakaharapin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 91,540 total reads

 91,540 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 168,775 total reads

 168,775 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,223 total reads

 202,223 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 237,522 total reads

 237,522 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 460,478 total reads

 460,478 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top