Tulungan ang 9.1 milyong Filipino na walang trabaho, panawagan ng Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 915 total reads

Hinimok ng Commission on the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na paigtingin ang kawanggawa lalo ngayong umiral ang pandemya kung saan 9.1-milyong Filipino ang nawalan ng trabaho.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, mahalagang magtulungan ang buong pamayanan upang maibsan ang hirap na dinaranas ng mamamayang naapektuhan ng pandemya.

“Hinikayat ko po ang lahat na magbigay ng tulong sa mga mahihirap, sa mga nangangailangan lalo ngayong panahon ng pandemic at nasa ECQ tayo maraming lockdown maraming hindi nakapagtrabaho sa pang-araw araw na pangangailangan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (P-S-A) 9.1 milyong Filipino ang nawalan ng trabaho mula Marso 2020 hanggang Pebrero 2021 bunsod ng pagsasara ng mga negosyo dahil sa pagkalugi at epekto ng pandemya.

Paliwanag ni Bishop Pabillo ang Huwebes Santo ang tinaguriang ‘charity day’ sapagkat sa huling hapunan habilin ni Hesus sa kanyang mga alagad ang ipalaganap ang pag-ibig sa kapwa sa pamamagitan ng paglilingkod at paglingap sa nangangailangan.

“Utos ng Panginoong Hesukristo na magmahalan tayo at maglingkod sa isa’t isa,“ani Bishop Pabillo.

Una nang sinabi ng obispo na mamahagi ng tulong ang mga parokya ng Arkidiyosesis ng Maynila sa mahihirap na komunidad ngayong Huwebes Santo, Abril 1.

Gagamitin dito ang nalikom na pondo sa espesyal na koleksyon ng Alay Kapwa na ipinatupad sa mga simbahan mula noong kuwaresma.

Umaasa ang obispo na bukas ang kalooban at nakahanda ang bawat isa na lingapin ang nangangailangan upang mabigyang pagkakataon na maibsan ang hirap na naranasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 96,475 total reads

 96,475 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 173,524 total reads

 173,524 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 206,972 total reads

 206,972 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,272 total reads

 242,272 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 465,074 total reads

 465,074 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top