Mga dinaranas na paghihirap sa gitna ng pamdemya, i-alay sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 878 total reads

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang mananampalataya na i-alay sa Panginoon lalo na ngayong Semana Santa ang mga paghihirap na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman bg kumisyo na maituturing ding pagsasakripisyo ang iba’t -ibang hirap na idinudulot ng malawakang krisis ngayong panahon ng pandemya tulad ng muling pagpapatupad Enhanced Community Quarantine na naglilimita sa maraming mga gawain ng mamamayan.



Sa ganitong paraan ipinaliwanag ng Obispo na maaari pa ring masamahan at madamayan ng bawat isa si Hesus sa pagsasakatuparan sa pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

“Hindi po natin inaasahan na mayroon na naman tayo uling lockdown ngayong Holy Week na pinakamahalagang linggo pa naman sa atin, ialay na po natin itong sakripisyong ito kasama ng sakripisyo ni Hesus at ang ating pag-aalay na ito at ang pagsisikap na kahit na nasa mga tahanan lang ay yan po ay maging kalugod-lugod sa Diyos.” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang Obispo na bagamat ipinagbabawal ang pagdalo sa mga liturhiya sa mga Simbahan ay mapagsumikapan parin ng mga mananampalataya na patuloy na masamahan si Hesus sa kanyang pagsasakripisyo at pag-aalay ng buhay sa krus sa pamamagitan ng pananalangin at pagninilay sa Salita ng Diyos ng buong pamilya maging sa loob lamang ng tahanan.

Ibinahagi ni Bishop Pabillo na maaari ding makibahagi ang bawat isa sa mga liturhiya sa pamamagitan ng pagsubaybay sa iba’t ibang online celebrations na tampok sa mga social media accounts ng mga Simbahan at diyosesis.

“Pagsikapan po natin sa ating mga tahanan na magbigay ng panahon sa ating pagdadasal, sa ating pagninilay sa salita ng Diyos at pakikiisa po sa mga online celebrations napakarami po ng ating online celebrations sa archdiocese [of Manila], sa mga parokya natin at ito po ay maging kalugod-lugod na alay natin sa Diyos.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Matatandaang una nang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluyang pamamaraan ang internet at social media na dapat ituring na isang pambihirang biyaya ng Panginoon para sa pakikipagkomunikasyon at pagpapahayag ng misyon ng Panginoon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 9,318 total reads

 9,318 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,769 total reads

 10,769 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 23,136 total reads

 23,136 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 60,514 total reads

 60,514 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 91,784 total reads

 91,784 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 167,651 total reads

 167,651 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 260,752 total reads

 260,752 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,120 total reads

 25,120 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top