Mananampalataya sa Middle East, inaanyayahang makibahagi sa Easter Triduum online

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total reads

Ibinahagi ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi (KPAD) na ipagdiriwang ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) ang easter triduum online.

Ayon kay Rommel Pangilinan, social media director ng KPAD, ito ay hakbang ng simbahan sa middle east upang maiwasan ang malaking pagtitipon ng mananampalataya sa mga simbahan.

“Ini-encourage ng aming obispo [Bishop Paul Hinder] na i-observe ang triduum online upang maiwasan din ang pagdagsa ng mga mananampalataya sa simbahan,” mensahe ni Pangilinan sa Radio Veritas.

Inihayag ni Pangilinan na ito ay para sa mananampalatayang hindi makakaabot sa registration ng mga nais dumalo ng pisikal sa mga gawaing pang simbahan ngayong mahal na araw.

Isa sa mga hakbang na ipinatupad ng AVOSA sa mga simbahan ang pagpaparehistro sa mga dadalo ng pisikal upang malaman ang sapat na bilang ng pinapayagang kapasidad ng simbahan at maipatupad ang mga safety health measures.

Sa gabi ng Huwebes Santo nagsagawa ng online na pagtatanod sa Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo matapos isagawa ang Misa sa Huling Hapunan.



Sa Biyernes Santo ng gabi magkakaroon ng Good Friday service online na matutunghayan sa Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi facebook page at maging ang mga pagdiriwang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

Umaasa ang AVOSA na gamiting pagkakataon ng mananampalataya ang pakikiisa sa online mass religious activities upang mapalalim ang ugnayan sa Panginoon lalo ngayong umiiral pa rin ang banta ng coronavirus pandemic.

Sa tala mahigit kalahating milyon ang bilang ng mga Filipino sa United Arab Emirates na karamihan ay aktibo sa pakikilahok ng mga gawaing simbahan sa naturang lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 100,694 total reads

 100,694 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,524 total reads

 177,524 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,972 total reads

 210,972 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,272 total reads

 246,272 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,925 total reads

 468,925 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top