Radio Veritas, kinilala ng Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 712 total reads

Pinuri ng Archdiocese of Manila ang pagsisilbi ng Radio Veritas 846 bilang Radyo ng Simbahan sa loob ng 52-taon lalo na sa gitna ng pandemya kung saan higit na kinakailangan ng Simbahan ng katuwang sa pagbabahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalaga ang papel na ginagampanan ng himpilan upang makapagpalakas ng loob ng marami sa pamamagitan ng pagiging daluyan ng pag-asa na hatid ng Panginoon para sa lahat.

Paliwanag ng Obispo, sa pagsasahimpapawid ng Mabuting Balita ng Panginoon gamit ang iba’t ibang mga programa at banal na misa ay hindi lamang nakapaglilingkod ang Radio Veritas sa bayan kundi maging sa Diyos bilang katuwang ng Simbahan sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sa mas nakararami.

“tayo ngayon ay nasa 52nd anniversary na ng Radio Veritas, malaki po ang paglilingkod ng Radio Veritas lalong lalo na ngayong panahon ng pandemic. Marami po ay nakakatanggap ng Mabuting Balita, marami po ay napapalakas ang kanilang loob at marami po ay napapalapit din sa mga ngangangailang, marami po tayong natutulungan sa pamamagitan ng Radio Veritas kaya congratulations Radio Veritas sana ay ipagpatuloy ang paglilingkod, paglilingkod sa bayan at paglilingkod sa Diyos.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Broderick Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang Obispo sa patuloy na paglilingkod ng Radio Veritas bilang Radio ng Simbahan at daluyan ng katotohanan na hatid ng Panginoon para sa bawat isa. Hinihikayat naman ni Bishop Pabillo ang bawat mananampalataya na patuloy na subaybayan at suportahan ang mga programa at misyon ng himpilan para sa paghahayag ng katotohanan at mga turo ng Simbahan.

“Patuloy sana ang Radio Veritas sa kanyang paglilingkod at patuloy din nating subaybayan, pakinggan at suportahan ang Radio Veritas ito po’y Radyo ng Simbahan kaya ang Simbahan naman talaga ang susuporta sa kanyang mga programa kaya patuloy po tayong palaganapin po natin itong ating radyo para makatulong tayo sa isa’t isa.” Apela ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 3,607 total reads

 3,607 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 76,692 total reads

 76,692 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 163,191 total reads

 163,191 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 206,226 total reads

 206,226 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 255,818 total reads

 255,818 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top