Pangulo ng Radio, COVID 19 free na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total reads

Lubos ang pasasalamat ng pangulo ng Radio Veritas sa mga nag-alay ng panalangin para sa kanyang kagalingan matapos itong magpositibo sa nakahahawang coronavirus disease.

Ayon kay Fr. Anton CT. Pascual, at Executive Director din ng Caritas Manila, siya ay sumailalim sa self-quarantine sa loob ng 21 araw na payo ng kanyang doktor matapos itong makaramdam ng mild symptoms ng COVID 19.

Pagbabahagi ng pari na habang siya’y naka-self quarantine, patuloy siyang nagdarasal at nagnilay sa pinagdadaanang malaking hamon sa kanyang misyon sa pagiging lingkod simbahan.

“Maraming salamat sa mga panalangin at suporta ng paggaling ko sa covid infection. Ako ay nag-self quarantine ng 21 days at nagkaroon ng mild covid. Nakapagdasal tayo at nakapagnilay sa Buhay at Misyon,” bahagi ng mensahe ni Fr. Pascual.



Ipinapanalangin din ni Fr. Pascual ang patuloy na patnubay ng Panginoon Muling nabuhay sa mga mananampalataya at kapanalig upang patuloy na makamtan ang kaligtasan laban sa nakamamatay na sakit.

Gayundin ang kahilingang nawa’y makamtan na ng Pilipinas ang lubos na kagalingan at ang lunas para sa pandemya.

“Ipinagdasal din natin ang Radio Veritas Kapanalig at ang bansa sa panahong ito ng pandemya. Pagpalain tayo ng Panginoon Hesukristo na muling nabuhay at iligtas tayo sa pandemyang ito,” ayon kay Fr. Pascual.

Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test noong Marso na nagpositibo si Fr. Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19.

Inihayag din ni Fr.Pascual na ang Easter Sunday ay simbolo ng pag-asa at tagumpay para sa mga Filipino na humaharap sa matinding epekto ng pandemya.

Si Fr. Pascual ay naging aktibo sa pamamahagi ng tulong gaya ng mga foodpacks at gift certificates katuwang ang mga pribadong sektor sa pagsisimula pa lamang ng lockdown noong Marso ng nagdaang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 35,126 total reads

 35,126 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 121,008 total reads

 121,008 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 167,746 total reads

 167,746 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 215,618 total reads

 215,618 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 317,904 total reads

 317,904 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,038 total reads

 169,038 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top