Filipinong Pari na biktima ng karahasan sa Papua New Guinea, nasa ligtas ng kalagayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total views

Iniulat ni Alatau Bishop Rolando Santos na nasa mabuting kalagayan at nakabalik na ang Filipinong misyonero na biktima ng karahasan sa Papua New Guinea.

Sa panayam ng Radio Veritas,sinabi ni Bishop Santos na ligtas na ang pari at muling nakapaglingkod sa parokya.

“Thank God he [Fr. Manny] is already out of danger and back in his parish in Wapipi, Trobriand Islands, for the Holy Week,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sa impormasyong ibinahagi ng obispo, ika-19 ng Marso nang pasukin ng 15 ‘rascals’ o kriminal ang tirahan ni Vincentian priest Fr. Manny Lapaz sa Alotau kung saan malubha itong nasaktan at pinagnakawan.



“The rascals intended to kill him but one of them intervened and saved Fr. Manny. No report yet of any arrests made by the police,” ani Bishop Santos.

Si Fr. Lapaz na tubong Cebu ay baguhang misyonero sa lugar at kasalukuyang superior ng Vincentian community sa ilalim ng International Mission na nakabase sa Roma.

Sa pagtaya ng obispo umabot sa halos 1.5 milyong piso ang nawala at nasira sa paglusob ng mga kriminal sa tahanan nina Fr. Lapaz.

“Caritas Papua New Guinea is giving us some help to recover what was stolen and damaged by the rascals,” dagdag pa ng obispo.

Inilarawan ni Bishop Santos ang malubhang kalagayan ng peace and order sa lugar kung saan naninindigan itong higit na isulong ang pakikipagdayalogo upang matamo ang pagkakaisa sa pamayanan.

“The peace and order situation here in Alotau and Milne Bay Province has deteriorated sharply over the last four years; The local police are outnumbered and outgunned by the rascals,” giit pa ng obispo.

Si Bishop Santos na tubong Malabon ay nanilbihang obispo sa Alotau Papua New Guinea sa loob ng isang dekada makaraang italaga ito ni Pope Emeritus Benedict XVI noong Abril 2011.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 62,231 total views

 62,231 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 105,839 total views

 105,839 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 188,908 total views

 188,908 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 201,350 total views

 201,350 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top