E-Pray program, inilunsad ng Diocese of Novaliches

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total views

Inilunsad ng Diocese ng Novaliches ang programa na magbibigay ng pray over at counselling sa mga pasyenteng nagtataglay ng novel coronavirus.

Ito ay online apostolate na tinawag bilang E-Pray for Covid-19 patients. Ayon kay Fr. Luciano Felloni ng Diocese of Novaliches Communications Ministry at anchor priest ng Radio Veritas, ang proyekto ay upang maabot at matulungan ang mga may sakit sa kabila ng umiiral na community quarantine.

Hindi rin pinapayagan na lumabas ang mga pari na pumunta sa bahay ng may sakit at sa mga hospital upang magbigay ng sakramento.

”Maraming mga tao na may covid na nangangailangan ng panalangin, siyempre hindi tayo pinapayagan sa loob ng mga hospital at ng isolation centers. So, naisip po namin na i-organize ang isang hotline kung saan pwede silang tumawag, pray over and a priest will call back to the patient either by phone or messenger,” ayon kay Fr. Felloni sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ni Fr. Felloni-parish priest ng Kristong Hari sa Commonwealth Quezon City na sa tulong ng E-Pray, ang mga pari ay maaring magbigay ng kanilang oras sa pakikinig sa mga may sakit at ipagdasal sila gamit ang modernong pamamaraan ng pakikipag-ugnayan. Sa kasalukuyan ay may 35 mga pari at isang Obispo na ang nagvolunteer para sa proyekto.

“These are nationwide, one from New York and we have priest in Tarlac, Pampanga, in Negros, Bicol and in Metro Manila in different diocese and congregation. Nag-volunteer po itong mga pari kapag ang tao ay tumawag o nagmessage sa messenger, iiwan ang pangalan ng pasyente, contact number and a priest will call ang message you and will arrange a call and will pray over the patient,” ayon pa sa pari.

Sa mga nais na magpa-pray over ay maaring magpadala ng mensahe sa messenger ng E-Pray DioNova facebook page o magpadala ng text message sa 0995 041-7199 at ilagay ang pangalan, contact number at messenger ng pasyente. Ang Novaliches sa Quezon City ay bahagi ng NCR plus bubble kung saan umiiral ang enhance community quarantine na layuning mapabagal ang bilang ng mga nahahawaan ng sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 19,471 total views

 19,471 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 69,485 total views

 69,485 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 65,354 total views

 65,354 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 101,311 total views

 101,311 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,942 total views

 108,942 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top