Sundin ang pamamaraan ng panginoon sa paghahanap ng solusyon sa COVID 19, hamon ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 799 total reads

Nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa bawat isa partikular na sa mga opisyal ng pamahalaan at namumuno at namamahala sa Simbahan na sikaping sundin ang pamamaraan ng Panginoon sa paghahanap ng solusyon sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Obispo, mahalaga rin ang pagsusuri ng puso at kalooban ng bawat isa upang mai-ayon ang mahahalagang desisyon na dapat gawin sa pamamaraan at puso ng Panginoon.

“Kaya nga po panawagan sa lahat, sa Simbahan, sa mga namumuno ng gobyerno, kay President Duterte, kayo po na mga namamahala, tayo pong lahat tingnan natin ang ating mga puso at baguhin at sikapin na ang pamamaraan ng Panginoong marunong sa lahat, makapangyarihan sa lahat ngunit punong puno ng pagmamahal yan ang gawin.” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Bishop Bacani ang kahalagahan ng pagpapakumbaba, pagsisisi, pagbabalik loob at pagdarasal upang dinggin ng Panginoon ang pagsusumamo ng lahat mula sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 virus. Iginiit ng Obispo na napapanahon na rin ang pagbabagong buhay ng bawat isa at pag-iwas sa paggawa ng anumang mga kasalanan lalo na ang pagpatay.

“Sabi ng Panginoon sa 2 Corinthians Chapter 7, kung may mga salot ano ang gagawin mo? magsisi ka, magpakumbaba ka sa harap ng Panginoon, magdasal ka, iwan ang paggawa ng masama at iwan ang pagpatay. Ngayong panahon na ito ang dami na ngang namamatay, ang sabi natin ayaw nating dumami ang namamatay pero ang dami pa ding pinapatay kahit hanggang ngayon.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health umaabot na sa halos 820,000 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa kung saan umaabot na sa mahigit 14,000 ang mga nasawi habang malapit na rin mapuno ang mga ospital na nangangalaga ng mga may sintomas at nagpositibo sa sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 91,575 total reads

 91,575 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 168,809 total reads

 168,809 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,257 total reads

 202,257 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 237,556 total reads

 237,556 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 460,512 total reads

 460,512 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top