Sigarilyo at VAPE, nakakaapekto sa pag-iisip ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,116 total reads

Nakakaapekto sa kalusugang pangkaisipan ng tao ang sobrang paggamit ng sigarilyo at electronic cigarettes (e-cigarettes) o vape.

Ito ang binigyan-diin ni Atty. Benedict Nisperos, Legal Consultant ng Health Justice Philippines. Ayon kay Nisperos,ang nikotina na nagmumula sa mga ganitong uri ng produkto ay isang highly addictive product na nag-uudyok sa isang tao na lalo pang gumamit nito.

“Ang mga produktong ito ay mayroong nikotina na highly addictive products. So, kapag in-inhale mo ito o nagamit ng iyong katawan, nagiging addicted ‘yung katawan at naaapektuhan kung paano magrespond lalung-lalo na’yung ating mental capacity,” pahayag ni Nisperos sa panayam sa programang Barangay Simbayanan.

Ipinaliwanag ng abugado na ang mga nasa edad 25 pababa ay nakararanas pa rin ng brain development kung kaya’t ang paninigarilyo o ang paggamit ng vape ay hindi naaangkop sa mga kabataan.

“Kaya naman ayaw na ayaw natin na ang produktong ito [ay] maging accessible sa mga kabataan kasi below 25 years old, may brain development pa rin na tinatawag na kung papasukan mo ng nikotina, maaapektuhan po ang mga pag-iisip ng ating mga kabataan,” ayon kay Atty. Nisperos.

Batay sa pag-aaral ng World Health Organization, sa kasalukuyan, ang labis na paninigarilyo ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng COVID-19 na ang direktang tinatamaan ay ang baga ng tao. Samantala, nauna nang nanawagan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na talikuran na ang paninigarilyo na bukod sa ito’y pangunahin ring dahilan ng iba pang sakit tulad ng Throat at Lung Cancer ay nagdudulot din ito ng hindi magandang epekto sa kalikasan.

Inihalintulad naman ng Kanyang Kabanalan Francisco na bagong uri ng pang-aalipin ang pagkagumon o pagkalulong na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 91,553 total reads

 91,553 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 168,788 total reads

 168,788 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,236 total reads

 202,236 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 237,535 total reads

 237,535 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 460,491 total reads

 460,491 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,160 total reads

 158,160 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top